Mocha Something took a swipe sa press people sa kanyang column na hindi inilabas ng Philippine Star.
“Hindi po pinayagan ang ating column na PRESSTITUTES sa Phil Star sa kadahilanan na ito daw po ay labag sa ethics nila. Naintindihan ko po ang concern ng Phil Star na hindi ilabas ito dahil nabanggit dito ang ilang media. Gayun pa man ilalabas ko na lang po dito sa atin page. Salamat po,” say ni Mocha sa kanyang blog.
Pinatutsadahan ni Mocha ang showbiz journalists na tumatanggap ng pera during press conferences for movies or albums.
Mocha, the tokens were given are out of goodwill, hindi puwersahan ang pagbibigay.
Kung corrupt ang tingin mo sa press, bakit ‘di mo rin tingnan ang mga kaganapan sa pulitika. Hindi nanghihingi ng milyones ang press sa iniinterbyu nila. ‘Yung mga pulitikong sangkot sa milyun-milyong corruption, bakit ‘di mo pangalanan at pangaralan? ‘Yung mga babaeng naghuhubad sa magazine pictorials, bakit ‘di mo pagsabihan? Marangal ba ang babaeng kita na ang buong katawan sa photo shoots? Kung marangal, hikayatin mo silang gayahin ‘yung nude pictorial mo.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas