MAKATUTULONG daw si Mocha Uson sa pag-boost ng morale at well-being ng Filipino communities sa Middle East, ayon sa Malacañang.
Ito ang paliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella kung bakit kasama ang sexy star cum blogger at ngayo’y Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) board member sa delasyon ni Presidente Rodrigo Duterte sa pagbisita sa Middle East mula April 10 hanggang April 16.
Ayon kay Abella, maraming followers si Mocha na mga Pinoy na nagtatrabaho sa Middle East at para sa kapakanan umano ng mga Pinoy kaya kasama si Mocha sa delagasyon ng Pangulo.
Ani Abella, “The appointed official of The Movie and Television Review and Classification Board is part of the Philippine delegation. She has a large following among the overseas Filipino communities, especially in the Middle East, and it is in their interest that she has come to help boost morale and well-being.”
Ilang kritiko kasi ang nagtatanong sa kung ano ang papel ni Mocha sa entourage ng Pangulo.
Ang Amerika, nagpapadala sila ng mga entertainer sa mga kampo ng kanilang sundalong sumasabak sa giyera sa ibang bansa para i-boost ang morale at well-being nga mga ito. Para nga raw huwag panghinaan ng loob.
Ganu’n din marahil ang papel ni Mocha, ang magbigay ng “entertainment” sa Middle East. O, maliwanag na ba?