Mocha Uson, pinaglaruan ng student publication ng UP

Mocha Uson and Philippine Collegian lampoon cover
Mocha Uson and Philippine Collegian lampoon cover

Naimbiyerna si Mocha Uson nang maglabas ang Philippine Collegian ng University of the Philippines ng isang satire magazine.

Halata kasing pinaglaruan siya sa magazine.

“Get ready to drop dead gorgeous, if this drug war hasn’t killed you already! In our pioneer issue of SaVogue, we bring you the hippest trends in the fashion world and life hacks as told by the poli-celeb icons of the 21st century.

“Grab your copies now during the UP Diliman Lantern Parade! #UPRepxKulê #SaVogue.”

‘Yan ang caption sa magazine na naka-post sa Mocha Uson blog.

Obvious na napikon si Mocha because one article seemingly took a swipe at her, ang “The Struggles that Unite Every Woman, Mocha Puson”.

Hindi nagpaawat si Mocha at nag-react siya.

“Sunod sunod nanaman ang tira nila sa atin mga kaDDS. Ngayon naman mula sa UP. Pero siyempre ang argument nila SATIRE lang. At binalita pa ito ng GMA News siguro they consider this newsworthy (http://www.gmanetwork.com/…/mocha-puson-makes-it-to-cover-o…)

“Ganito kasi yan pag sila ang nag labas ng paninira sasabihin lang nilang SATIRE pero pag tayo na ang babanat it’s either FAKE NEWS or BULLYING.

“Eh kung maglabas kaya ako ng meme na si LENI buntis at lagyan ko ng SATIRE sa caption. Ano kaya masasabi ng mga BUGOK?”

‘Yan ang aria ni Mocha sa kanyang Facebook account.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleEugene Domingo, inspired sa Italian boyfriend
Next articleFan ni Alden Richards, imbiyerna sa kapatid ni Maine Mendoza

No posts to display