TRENDING ngayon sa social media ang #MochaUsonIsOverParty. Matagal-tagal din natin hindi narinig ang pangalan ni Mocha Uson na unang nakilala bilang sexy lead singer ng grupong Mocha Girls na naging parte ng Administrasyong Duterte nang maging presidente ito.
Ngayon ay umingay muli ang pangalan ni Mocha dahil tila napuno na ang mga netizens sa kanya. Kung noon ay palagi niya tinitira ang mga politiko o indibidwal na hindi ‘ka-DDS’, ngayon ay si Pasig Mayor Vico Sotto naman ang pinapatamaan niya.
Sa kanyang official Facebook page na ‘MOCHA USON BLOG’ ay ishinare nito ang post ng isa sa diumano’y admin ng page na si ‘Banat By’.
Ayon kay ‘Banat By’, pabebe raw si Pasig City Mayor Vico Sotto na ikinagalit ng mga netizens kaya naman nag-trending din ang #ProtectVico. Hindi ninyo masisisi ang mga tao kung bumibilib sila sa ‘pabebe’ na si Vico dahil visible ito na gumagalaw para sa nasasakupan niya unlike other mayors na kailangan pa yata ng quija board para lang magparamdam. Hello?!
Nang malaman na marami ang na-offend sa shared content sa kanyang Facebook page, dinipensahan agad ni Mocha ang sarili:
“FYI, Mocha Uson Blog FB page is now composed of different bloggers and admins. We practice free speech though we differ in opinions on different matters. So, saying that I am against VICO SOTTO is FAKE NEWS since it was posted by another admin. I hope this clears everything.”
So ibig sabihin ba nito ay pumapayag si Mocha na gamitin ang pangalan niya sa mga negatibong banat without her consent?
Dahil dito ay nagpulong-pulong ang mga concerned citizens na puno na kay Mocha Uson and Admins. Ilang celebrities and influencers ang nagpost na sabay-sabay i-report ang ‘Mocha Uson Blog’ Facebook page ng 8PM para mas mapabilis at effective ang pagpapatanggal sa page na may more than 5 million followers.
Trending agad ang #MochaUsonIsOverParty bago pa man mag-8PM. Muli ay nagpost si Mocha (or her admin?! Again?) na kung sakali raw na mawala ang kanyang Facebook page, siya raw ay magpopost ng mga bagong content sa page ni ‘Banat By’.
By 8PM ay nawala ang Facebook page ni Mocha. Ang tanong: Nawala ba ang ‘Mocha Uson Blog’ dahil sa pagreport ng netizens, o nagdeactivate/unpublish ito para hindi mawala sa kanya ng tuluyan ang pinaghirapang social media page na milyun-milyong followers na rin ang naipon?
Kasalukuyang naninilbihan sa ilalim ng Administrasyong Duterte si Mocha Uson bilang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director.