Model Luke Jickain, willing makipaghalikan kina Piolo Pascual, Diether Ocampo at Derek Ramsay

Luke-JickainFROM MODELING ay mas gusto na raw mag-focus sa pag-aartista ang isa sa sikat na modelo sa bansa na si Luke Jickain na huling napanood sa Beki Boxer. Tsika nga nito last July 10, 2014 sa Tempura Tomas Morato Q.C. sa isang pocket  interview, willing daw itong magkaroon ng kissing scene kina Piolo Pascual, Derek Ramsey at Diether Ocampo.

“Sa akin kasi, tingin ko roon trabaho. Hindi ka naman ganu’n in real life and we know na it happens in real life. Lalaki man ‘yan o babae, ang halik ay halik. It’s a normal thing, depende na lang sa iisipin ng tao. And besides, trabaho lang naman ‘yun.

“Sabi nga, ‘di ba, if your a good actor wala kang role na hindi kakayanin lalo na’t kinakailangan ng istorya? Para sa akin I really don’t see anything wrong about it. Actually, pagdating sa work, hindi ako nagbibigay ng limit, as long as kaya ko, I will go for it. Kasi ‘pag nagbigay ako ng limit sa role na gagampanan ko, hindi ako actor.

“Si Piolo Pascual… kasi magaling siyang actor, or si Derek Ramsey… puwede rin si Diether Ocampo. Siguro kung sino ang ibigay nila, okey lang.  Kasi trabaho lang naman ‘yan and if kailangan talaga sa script at ipag-uutos ng direktor, gagawin ko.

“Sabi ko nga lahat gagawin ko kasi gusto kong mag-artista at hindi ako maglalagay ng limitasyon. Kung ano ‘yung ihahain sa aking script, gagawin ko. Kasi para sa akin, kung ‘di mo kayang gawin, ‘wag kang mag-artista,” pagtatapos ni Luke.

Capsinesis, gawa ng Pinay na mabentang-mabenta sa Hollywood celebrities

 Toni-Saret

“IT HAS a natural blood thinner which got the nod of the Bureau of Food and Drugs (BFAD).” Ito ang naging pahayag ni Ms. Olai Espiritu, ang may gawa ng Capsinesis.

Ang Capsinesis ay isang all-natural food supplement para sa mga figure conscious. Humarap si Ms. Espiritu, kasama ang endorser ng Capsinesis na si Coach Toni Saret, at si Dr. Ray Salinel sa launching nito na ginanap sa Luxent Hotel sa Timog.

Ang red-hot powder na galing sa uri ng sili na ca­yenne ay napatunayan na nakapagpipigil ng gutom at nakapagpapabilis ng calorie-burning rates. Ang maganda pa rito, napabibilis din ang metabolism ng pagtunaw ng pagkain habang nakapagpapababa ng heart disease.

Mismong ang food scientist na si Stephen Whiting ang nagsabing ang red pepper ay may chemical capsaicin na siyang nagbibigay ng init at nakatutulak ng adrenalin rush. Ito rin ang nag-uutos sa utak para masunog agad ang fat cells. May mga test na nagpakita na sa may belly ang pinakamabilis na lumiit o mawalan ng taba.

At dahil inconvenient naman na magbibitbit ng hilaw na cayenne pepper palagi, nakaisip ang Gloire Unlimited Co. ng isang paraan na praktikal. Ginawa nito ang Capsinesis, isang all-natural food supplement para sa mga figure conscious.

Ang Capsinesis ay nakapagpapababa rin ng platelet aggregation. Sa pagpapababa ng blood cholesterol at triglyceride levels ay napapababa rin ng kapsula ang pagbuo ng artherosclerosis.

Kaya naman para sa iba pang impormasyon sa Capsinesis, paki-contact na lang ang 0917-4788535 o 377-5556 o tingnan ang Facebook account na Capsinesis.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleVince Tañada, ililibot sa ibang bansa ang kanyang stage musical
Next articleRhian Ramos, madaling nakagaanan ng loob si Carla Abellana

No posts to display