• 0949979xxxx – Mr. Raffy Tulfo, gusto ko pong ipaalam at idulog sa inyo ang isang modus na nangyayari sa bandang Zapote – Jollibee. Dapat pong iwasan at mag-ingat na masagi ‘yung mga taxi na nakaparada sa lugar na ito. Lalo na ‘yung may plate no. TXX-183, dahil kapag ito ay inyong nasagi sasabihin nila na iyong bakal na nakatali ang nakagasgas sa kanilang taxi. At pilit kang hihingan ng limang daang piso ng driver kasi sila raw ang mananagot sa kanilang operator at magpa-Pasko pa naman daw. Kapag hindi ka nakapagbigay may isang lalapit na sasabihin na tatawagin nila ang kakilala nilang kagawad sa lugar. At para hindi na maabala siyempre magbibigay ka na lang, at pagkabigay mo ng pera sa driver, sabay sakay at haharurot na ang taxi. Salamat po at sana ay bigyan ninyo ng pansin para hindi na mabiktima ang karamihan. – Concerned citizen.
• 0910860xxxx – Sir idol, gusto ko pong isumbong sa inyo ang mga pulis ng Station 7 sa Pasig City. Nasaksak po ang kapatid ko kagabi sa Heart Love KTV Bar sa Brgy. Sta. Lucia, Pasig City. Hindi po nila hinuli ang suspek sa kadahilanang ito raw po ang may-ari ng nasabing bar. Hindi po makatarungan ang pagpatay sa aking kapatid kaya humihingi po ako ng tulong sa inyong programa. Umaasa po kami ng aming pamilya na matulungan ninyo kami.
• 0935367xxxx – Idol Raffy, Sir, pakigawan naman po ng solusyon ang matagal nang problema sa kapulisan. Maniwala po kayo na maraming timbre o nagbabayad ng pitong libo kada buwan kapalit ng hindi pagpasok ng mga pulis na ito dito sa mobil ng MPD. Marami po sana ang makikinabang kung ang mga taong ito ang nasabing mga pulis ay tunay na naglilingkod o pumapasok. Kasi po si Major Edgar Reyes lang ang nakikinabang ng timbre o pera ng mga pulis na ito. Paki-aksyunan naman, kawawa naman po kasi ‘yung mga pulis na pumapasok imbes na sa isang istasyon isang mobil lang sana ang nagpa-patrol dahil sa kakulangan ng tao, 1 mobil para sa tatlong istasyon hindi tao ang kulang sa mobil, marami kaming tao kaso hindi pumapasok dahil sa naglalagay nga! Paki-imbestigahan din po si Remegio Mengguito ‘yung Shift Supervisor, du’n ninyo makikita kung ilan lang ang mobil na lumalabas at tao na pumapasok. Maraming salamat at umaasa po kami sa pagbabago. More power po sa inyong show.
• 0949612xxxx – Sir Raffy, ang mga accredited ng MMDA na towing services company ay wala na sa ayos kung mag-tow. Puwersahan at takutan ang kanilang istilo, sobra na kung manguha ng pagkakaperahan, sungab agad! Hindi po ba dapat merong 30 mins at tulungan muna nilang itulak man lang ‘yung sasakyan ng driver bago i-tow lalo na kung nakatabi naman ‘yung sasakyan at nadiskarga lang ‘yung baterya? Ganyan po ang nangyari sa amin, dinaan kami sa puwersa at pananakot at katwiran nila, sa MMDA kami magreklamo. Ganito ba ang itinuturo ng mga namamahala ng MMDA sa mga towing company nila? Sana po ay maging makatao at huwag magmalabis sa kapwa. Maraming salamat po.
Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0908-87-TULFO o 0917-7-WANTED.
Shooting Range
Raffy Tulfo