0917754xxxx – Idol, pakitingnan iyong bagong modus na ginagawa sa DFA para maiwasan ang mga nabibiktima. Nagkalat ang mga manloloko roon. Ganito ang ginagawa nila sasabayan ka ng isang tao na kunwari ay aplikante rin siya at nagpa-authenticate ng mga dokumento tapos ay ituturo ka sa bagong office kuno ng DFA tapos ay sisingilin ka ng P700 hanggang P1,500 kada pahina. Marami po silang naloloko kaya sana ay maaksyunan ninyo. Salamat po.
0922405xxxx – Sir, ire-report ko lang po iyong mga pulis dito sa may SM Fairview dahil nangongotong po sila ng 20 pesos sa mga bus. Ito po ang plate number ng mobile SGY 690. Sana ay maaksyunan ninyo. Salamat po.
0916577xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po sa inyo na may isang pulis sa Maynila na hindi naman pumapasok pero patuloy pa ring sumasahod.
0935102xxxx – Idol, mananawagan lang po ako sa mga kinauukulan dito sa may amin sa Pedro Gil dahil grabe ang traffic na nararanasan namin. May mga pulis at MTPB nga na nasa paligid pero pinapabayaan lang nila iyong mga jeep na kumukuha ng pasahero kahit naka-green light. Sana po ay maiparating ninyo sa kinauukulan ang aking concern. Maraming salamat at more power po sa inyo.
0908737xxxx – Idol, ire-report ko lang sana iyong mga pulis na laging nagro-roving dito sa mga junkshop sa Valenzuela. Mga humihingi po ng tong sa mga may-ari ng junkshop. Sana po ay maimbestigahan ito. Salamat po.
0922251xxxx – Sir Raffy, gusto ko lang pong ipaalam sa inyo ang kabulukang nangyayari rito sa Pasay. Lagi pong traffic sa may intersection ng Taft at Buendia dahil sa mga bus at jeep na ginagawang terminal ang kalye. Araw-araw itong nangyayari at sa harap pa mismo ng mga traffic enforcers, pulis at sa Presinto Dos. Hindi ko lang alam kung may lagayan na nangyayari kaya malakas ang loob ng mga bus at jeep drivers na gumawa ng traffic sa aming lungsod. Sana ay maaksyunan ninyo ito. Thanks and more power to you.
0948329xxxx – Idol, may isusumbong lang po ako sa inyong aroganteng enforcer ng MMDA, nakapuwesto along EDSA near Magallanes, na nangotong sa aming ng P500 noong August 13 ng umaga. Ang violation po ay expired daw ang commemorative plate pero ayaw naman kaming tiketan. Sinabi niya, kung babaklasin daw ang plate number namin ay limang libo daw ang tubos at hindi pa kasali ang lisensiya ko. Sana mabigyang pansin ninyo ang sumbong ko. Salamat po.
ISANG BAKBAKANG EPISODE na naman ng WANTED sa TV5 ang inyong mapapanood mamayang gabi pagkatapos ng Aksyon Journalismo (late night news).
Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa Cebu at Davao ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 29. Sa Cignal Cable ito ay mapapanood sa Channel 1, Channel 7 sa Destiny at Channel 59 naman sa Sky Cable.
Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.
Shooting Range
Raffy Tulfo