Mojack, sasabak sa unang show sa Tate sa Hudson Mall

Mojack

 Sasabak ang versatile na singer/comedian na si Mojack sa kanyang unang show sa Amerika. Matapos magsuper-lagari sa Japan at ‘Pinas si Mojack, ngayon ay nasa US naman siya. Patunay lang kung gaano siya ka-bless ngayon. 

“Busy po sa pag-promote ng first ever show ko here in the US. Kaya salamat kay God, He’s always on my side, He help me po a lot. 

“Wala akong masabi sa mga blessings sa akin ni Lord, speechless ako, natutulala na parang, ‘Bakit ang daming lumalapit na show sa akin ngayon?’ All I can say is… more blessings pa Lord para sa family at friends ko, hehehe,” pahayag sa amin ni Mojack nang maka-chat namin recently. 

Ano-ano ang mga kakantahin mo rito? 

Sagot niya, “Ang repertoire ko po, assorted pa rin ang songs ko pero di mawawala ang mga songs na pinasikat ni Blakdyak gaya ng ‘Noon at Ngayon’, ‘Hayop Na Combo’, at ‘Modelong Charing’.”

Gaganapin ang unang show ni Mojack sa US sa Hibachi Grill & Supreme Buffet sa January 6, 2017, 7:30 to 10:30 pm, located sa Hudson Mall, 701 Route 440, Jersey City, NJ. Ang tickey ay $40, inclusive ang eat all you can dinner. Ito’y mula sa Three Kings Presentation at pinamagatang Mojack Has Landed in Eat Coast (Tribute to Blakdyak). 

Naaliw nga kami sa mga FB post ni Mojack na animo model na rumarampa sa New York. Nabanggit nga niya sa amin na isa pa sa dream niya ang maging model din sa Amerika. 

Anyway, dahil sa magagandang nangyayari kay Mojack sa Tate, may mga kaibigan siyang nais na pasalamatan. 

“Nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinibigay nila sa akin dito, sa mga kaibigan ko na sina Girlie Rosete Clemente and Babette Soriano for making my journey so unforgettable. Kinupkop nila talaga ako as their family especially to Cheri and Shane na para ko nang mga kapatid, they are also helping me a lot. I am thankful to God for giving me true friends. 

“Gusto ko ring magpasalamat to Ate Tess Sacdalan, kasi she is helping me naman sa military benefits na inaayos niya kung paano ko makukuha ang para sa amin ng Mom ko. Kaya very thankful ako, kasi nakatagpo ako ng mga tulad nila na tunay na mga tao na walang arte sa katawan. Na kahit mayroon sila, they’re so kind and humble. Sana lahat ng tao katulad nila,” masayang banggit pa ni Mojack.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

Previous articlePaolo Ballesteros, tumaas ang BP kaya ‘di nakasipot sa Gabi ng Parangal ng MMFF
Next articleRegine Tolentino, kaliwa’t kanan ang projects ngayong 2017

No posts to display