NOONG MGA nakaraang araw naging kapansin-pansin ba sa mundo ng social media ang pagkalat ng larawan ng iyong kaibigan na akala mo dinrawing ng isang eksperto? Iyong mga larawan na para bang cartoon ang katawan pero ang mukha ay gayang-gaya ang selfie photos nila? ‘Yung mga larawan na nakaaaliw tingnan at pagmasdan? Naku, huwag kang maniwala kung sasabihin nila na iginuhit lang nila iyon! Kung hindi mo pa nalalaman kung ano iyon. Aba, nahuhuli ka na nga sa balita!
Ang mga nabanggit ko ay isang app sa ating mga smartphones. Ito ay tinatawag na MomentCam kung saan puwedeng-puwede mong i-convert ang iyong mga selfie photos sa isang tradisyonal na drawing. Puwede ka pang magdagdag ng iba’t ibang templates o kung ano pa ang sasang-ayon sa trip mo. At kung proud na proud ka naman sa gawa mo, wala namang masama kung ipagmamalaki mo iyon dahil puwede mo rin itong i-share sa iyong Facebook, Instagram, at Twitter.
Saan nga ba nagsimula itong app na ito?
Kung matatandaan, noong una pang maging viral ang MomentCam, hindi pa naiintindihan ang mga texts nito dahil ito ay nakasalin sa wikang Chinese. Pero biruin mo nga naman kahit ini-Intsik na nitong app ang karamihan sa mga tao, dino-download pa rin nila ito kahit hindi naman sila nakaiintindi ni Chinese. Puwede na rin siguro nating sabihin na ito ay sa kadahilanang user-friendly ang application na ito at madali pang gamitin. Kaya nang ito ay naging available sa English version, mas dumami pa ang tumangkilik dito.
Alam n’yo naman ang mga bagets ngayon, ayaw patalo sa kung ano ang nauuso. Laging gusto na in din sila! Kaya ewan ko na lang kung hindi pa sumikat ito nang husto. Available pa ito sa Android and IOS version. Kaya mapa-Samsung, Cherry Mobile, Star Mobile, Blackberry, iPhone, Torque, MyPhone – basta android at IOS ‘yan puwedeng-puwede ka nang maki-join sa MomentCam!
Kaya kung nabo-bored ka man o sadyang artistic ka lang, huwag ka naang pahuhuli at gamitin na ang app na ito! MomentCam kaya ang kauna-unahang camera app na nagsasalin ng iyong selfies sa cartoon! Hindi mo na kailangang magbayad pa sa isang artist para mangyari ito. Hindi mo na rin kailangan mangalay matapos mo mag-pose nang matagalan para lang maiguhit ka dahil kahit sa cellphone, iPad at tablet mo, kayang-kaya mo na ito gawin nang libre na, mabilis pa! Mayroon ka pang 150 cartoons na pagpipilian na puwede maikabit sa selfies mo. Iyong iba swak sa mood mo, ‘yung iba puro katatawanan. Mayroon ding iba na puro pa-cute lang at mayroon din namang iba na akala mo sa panaginip mo lang puwedeng mangyari.
Kung kayo ay may komento o suhestyon, maaaring mag-e-mail sa [email protected] oo mag-text sa 0908-8788536.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo