OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo. Lunes na naman, nakakaloka, malapit na ang Undas, ang Pasko… pero mabubuwang ka sa Earth. Parang mas mauuna pa ang eleksyon. Kasi sa May 2013 pa ito, pero hindi na magkandaugaga sa social network, sa facebook ang pangangampanya ng mga kandidato. Bakit hindi ito ang nasisilip ng Comelec or Anti-Cyber Crime Law. Buti nga na-TRO ng 120 days. Kasi nga naman, naglalakihang mukha na nila ang bubungad sa iyo na nagpapakilala na sila ay kandidato sa kani-kanilang posisyon.
Sabi nga ni Ivy Batulahar, ang friend kong tsismosa, mabuti kung mga magaganda at guwapo, ok lang. Pero karamihan ang papangit. Hehehe! Ano ba ‘yan? May bagong mukha, may mga trapo, at ang iba, mga hindi talaga kilala.
Sa bagay, libre nga naman sa facebook ang paglalagay ng mga pagmumukha nila na sila ay kandidato sa kanilang lugar. Kanya-kanya na talagang strategy.
AT SPEAKING of Anti-Cyber Crime Law, ipinagtanggol ni Vic Sotto ang kanyang kapatid na si Sen. Tito Sotto, hindi lang sa cyber crime prevention law, kundi maging sa RH bill, laban sa kanyang mga kritiko.
Isa ba ito sa mga dahilan kaya umu-rong siyang tumakbong mayor ng Quezon City? ‘Di ba, ilang buwan bago magsumite ng COC, napabalitang tatakbo raw itong Mayor ng Q.C.? Pero nu’ng oras na ng pag-file, talagang hindi siya tumakbo. Kasi nga ayon sa kanya, hindi anaman talaga niya binalak na pumasok sa pulitika. Tama na raw si Sen. Tito, at ayaw raw talaga niya na sundan ang yapak nito sa pulitika.
Ayon pa nga sa kanya, “If I can be of help by being in politics, why not? But not right now. I can be a public servant in my own little way.”
Tanong ng nakararami, hindi kaya natakot si Vic dahil sa mga dinadanas ng kanyang kapatid na senador sa kaliwa’t kanang batikos sa kanya sa dalawang mabigat na issue tungkol sa RH bill at cyber crime prevention law. Kasi nga naman, siya ang tinutuligsa ng ating mga kababayan.
Marami nga ang nagsasabi na pasalamat daw si Sen. Tito, kasi ‘pag nagkataon daw, talagang matutulog ito sa pansitan kung kandidato siya ngayon. Nganga ang aabutin niya, dahil binabato siya ng sari-saring kritisismo ngayon.
Pero ang sabi ni Vic, “Bakit? Kasama ‘yan sa buhay, ‘di ba?! We cannot please everybody, kung anti-RH bill ka, siguradong kalaban ka ng pro-RH bill, ganon din sa cyber crime law. Gano’n lang ‘yun ka simple.”
So, katulad ni Sen. Tito anti-RH bill din si bossing Vic, katwiran kasi nila, “I’m not for abortion, I’m not for population control, at lalo na hindi ako para sa gobiyerno na gumagastos ng napakalaki sa condoms at contraceptives. Ang 3 billion pesos, sana ibigay na lang nila sa hospital at edukasyon.”
Teka, P3 billion a year ang gagastusin sa condom at contraceptives? Grabe na ito. ‘Yun na!
ISA PANG nakakaloka ang chikkang inggit daw si Mommy Dionesia kay Jinkee Pacquiao sa pagtakbo bilang vice-governor ng Sarangani.
Kasi nu’ng nakarating daw kay Mommy Dionesia ang chikka, kinabukasan daw ay pinaayos niya ang kanyang mga papeles at gustong humabol sa Comelec para kumandidato ring mayor ng ng GenSan. Masamang-masama raw ang loob ni Mommy Dionesia, kasi napagsarhan siya ng Comelec, hindi nakahabol sa takdang oras nu’ng Oct. 5 na hanggang 5pm lang. Pagdating sa presinto, sarado na ang Comelec.
Marami ang natuwa, kasi ano naman daw ang gagawin ni Mommy Dionesia kung siya na ang mayor ng GenSan? Magpapatayo ng ball room sa city hall?
Kaloka talaga si Mommy Dionesia.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding