OLA CHIKKA! MARAMI ang nanghihinayang at hindi natuloy ang pinananabikang concert sa bansa – ang salpukan ng Jukebox Queen na si Imelda Papin at ng international singer na si Melissa Manchester, ang nagpasikat ng kantang Don’t Cry Out Loud.
Hindi nga natuloy ang nasabing concert na dapat sana ay sa darating na December 19, dahil sa pangyayaring masaker sa Maguindanao. Kaya ayun, natakot ang grupo ni Melissa Manchester na mag-concert sa bansa kaya ipinagpaliban muna ito.
Naging headline din pala sa Amerika ang mga pangyayaring krimen dito sa bansa. Ang nakakaloka, pati ang kanilang nag-iisang special guest na si Mommy Dionesia, halos todo-ensayo pa ang beauty na hindi nga nakapupunta sa Manila at kinansel ang ibang appointments dahil abala nga sa pagpa-praktis sa kanyang mga songs, eh, ayun hindi pa natuloy ang concert.
Nanghihinayang nga raw ang ina ni Manny Pacquiao, lalo na’t ilang buwan na rin palang nag-eensayo ang beauty ni Mommy D. Naku, ha?! Parang boxing din pala kung mag-ensayo ng mga kanta si Mommy D.
Pero gumagawa pa rin ng hakbang ang Jukebox Queen na si Imelda Papin para mag-concert sa bansa, kahit hindi pa matuloy ang concert nila ni Melissa Manchester. At kahit super busy ang lola n’yo dahil may tinatahak siyang ibang landas, wala pa rin siyang balak iwan ang industriya kung saan siya nakilala. Bonggacious, ‘di ba? ‘Yun na!
BLIND ITEM: MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku, mga kafatid, maloloka kayo!
Dahil itong si bading na negosyante, kundi lang sumali sa isang reality show ay hindi siya makikilala. Kaya nang tanghalin ang beauty niya na big winner, halos lumobo na ang ulo at super yabang lang daw ang binatbat ng bading na ito.
Marami ang nakarating sa akin tungkol sa bading na negosyante, na bukod sa yabang, puro “pangako sa ‘yo” lang daw ito, o sa madaling salita ‘OPM.’ Ha-ha-ha!
Nag-motorcade daw ang grupo ni bading na negosyante sa isang probinsiya. Ayun, imbiyerna siya dahil hindi nakilala ang beauty niya, at may pa-shades-shades pa siyang nalalaman. Dahil feeling niya superstar na siya at kilalang-kilala. Ayaw pa raw bumaba ng sasakyan nitong si bading nang walang magbubukas ng kanyang sasakyan.
Hmmm… kaloka, ha?!
Nang matapos ang motorcade ni bading, ni isa ay hindi siya nakilala. Sabi ni bading na negosyante, “Hello, ako si _____. Hindi n’yo ba ako kilala?”
Sagot naman ng mga tao, “Hindi ka namin kilala!”
Kaya ayun, tumalikod na lang itong si feeling superstar na bading na negosyante. Balak niya palang maging sikat na artista. Naku, ha?! Tusukin mo muna ang ulo mo, bago ka mag-ambisyong sumikat. ‘Yun na! He-he-he!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding