PINASYALAN KO ANG low-profile na si Mommy Elvie Villasanta sa studio ng AV Productions sa Ortigas. Malinis siyang tingnan. Halata mong isang simpleng tao pero matalas ang memorya. Alam ba ninyong sinaulo niya ang capital ng bawat bansa?
Ayon kay Mommy Elvie, ginawa niya ito para ‘di siya maulyanin matapos siyang nabaha noong bagyong Ondoy. Sa kuwento niya, dalawa lang sila ng kasambahay nang i-rescue ng kanyang mga kapitbahay. Bagama’t ganoon, mas inisip pa niyang ‘wag munang pauwiin si Ariel dahil delikado ang baha.
“Alam n’yo kapag nandoon kayo sa ganoong sitwasyon, hindi ka marunong magdasal, kundi ‘Diyos ko’ ka lang nang ‘Diyos ko!’”
Mas inisip niyang ‘wag nang pumunta ang anak upang anumang mangyari ay ligtas ito. Ang ina nga naman, oo, unconditional ang pagmamahal sa anak.
Maganda ho siguro kayo lalo noong kabataan n’yo? “Maganda sa inyo ‘yan? Baka kailangan ‘nyo nang magpalit ng salamin.” Ah, hahahaha!
Sadyang ganu’n siya bumitaw ng salita, natural. Iyon na rin ang karakter na mapapanood natin sa palabas nilang Mommy Elvie@18 sa GMA News TV na running on their 2nd season this June. At ‘eto pa kamo, nang malaman niyang may lump siya sa breast ay mas ginusto niyang huwag magpa-opera dahil katuwiran niya’y ‘to live as long as I want’. At alam ba ninyong nang magpatingin siya muli ay nawala na ang bukol niya sa breast. Sadya kayang nahilom ito dahil nawala? Or dahil sa laughter is the best medicine?
Nabalitaan ko rin recently na naging commercial model siya ng isang ice cream product. “Ah kaya naman ganun ‘yun eh, noong nag-birthday ako. Ginawa lang nilang 81 kasi meron ako talagang gagawin, eh. Tapos ‘nung matapos ang Ondoy saka lang nila itinuloy, eh. 84 y/o na ako.”
Ano ang sikreto ng haba ng buhay ninyo? “Masaya ang mundo. Hindi ako nag-aaksaya ng panahon sa problema.” Hebigats talaga! Kaya naman, alam ng lahat na mahal na mahal ng anak na si Ariel ang kanyang ina. “Gan’un din ho ako sa kanya, eh. Kasi paanong hindi mamahalin, ipinanganak siya after 10 years. Noong pinanganak ho s’ya, off-the-record ho ba ‘yun? Eh, payat na payat ho! Kasi me edad na ho ako ‘nung manganak, dyineta ako nang husto. Nu’ng lumabas s’ya, ang payat, parang butiki!”
Ah ‘di ba makulit ho si Ariel? Mana ho ba sa inyo? “Makulit ho ba ako?” Hahahah!
Ano ang paborito ninyong pagkain? “Ah, naku, lechon! Ice-cream.”
Hindi kaya pang-diabetes ‘yun? “Ah hindi naman alam ng tiyan ko na may diabetes ako, eh. Alam ba ‘yun ng bituka ko? Siyempre hindi alam. P’wede siguro kapag walang nakatingin lalo na kung ang anak ko nand’yan. Ay, naku masarap! Lalo na ‘yung chicharong bulaklak. Ah, kasi naman pagka-kuwan, kapag lechon, tinatakpan ko ng kanin. Hindi ho nakikita. Akala ho nila wala, pero kinakain ko.”
Kita ninyo na, ang kulit! Hahaha! Pero makikita mo sa kanya ang sincerity at pagi-ging caring kung kausap mo kahit mapagbiro.
Inisa-isa sa akin ni Mommy Elvie ang kanyang 18 wishes. Ang pinakamabigat na wish niya ay ang makaharap ang hina-hangaang si P-Noy. Hinihi-ling niya na sana siya’y mapagbigyang makausap at makaharap. Kasi naman, noong nakaraang episode ng show, inakala niyang si P-Noy na ang nakaharap niya. Pero nang makilala, ito raw ay si Willie Nepomuceno, ang maga-ling na impersonator. Hahaha!
Well, isa ako sa naniniwalang mapagbibigyan ito ng ating Presidente, ang wish na makabisita sa Palasyo ng Malakanyang. Dahil tiyak, maaalala niya rin dito ang kanyang yumaong inang si late President Cory Aquino. Ma-me-mi-mo-mu. Ma-me-miss –mu talaga si Mommy Elvie. Ito ang Larawan sa Canvas.
For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838; e-mail: [email protected], [email protected], or visit www.pinoyparazzi.net
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia