ISA SA mga yearly traditions ng Regal Films na inaabangan ng mga moviegoers ay ang kanilang mga Mother’s Day offerings. In the past years, niyakap ng mga tao ang mga pelikulang tulad ng Our Mighty Yaya at My 2 Mommies.
Kahit na may ongoing pandemic ay na-push pa rin ang pagtapos ng pelikulang ‘Mommy Issues’, na kung hindi kami nagkakamali ay originally intended na maging Mother’s Day presentation ng Regal noong nakaraang taon. Naantala lang ito dahil nga biglang in-implement ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa bansa.
Napanood namin ang Mommy Issues via KTX.PH dahil unang-una, love namin sina Pokwang at Sue Ramirez. Pangalawa, miss na rin namin ang Pinoy family humor. Third, gusto lang namin makapagrelax!
Worth the wait ang Mommy Issues. Written and Directed by the one and only Jose Javier Reyes, kuwento ito ng single mom na si Ella (Pokwang) na nagtampo sa anak na si Katya (Sue Ramirez) na biglang nagdesisyon na makipag-live in sa kanyang boyfriend na si Migo (Jerome Ponce). Obviously, overprotective ang mudrabels sa kanyang unica hija kaya naman nagkaroon ng tampuhan ang dalawa at naipit ang very cool lola na si Mommy La (Gloria Diaz).
Things changed nang biglaang biniyayaan ni Lord ng love interest si Ella sa katauhan ng isang Korean businessman na si Mr. Kim Jae-Ho (Ryan Bang). Despite their age gap and initial away-bati ay nagkainlaban sila. This time, ang anak naman ang kontra sa bagong karelasyon ng kanyang mommy! Ano ang mangyayari?
Kung hindi kami nagkakamali, ikalawang pelikula na ito nina Jerome at Sue. Alam sa showbiz na ‘Mommy Pokie’ ni Ryan si Pokwang kaya naman surprising din na may chemistry din pala sila bilang onscreen romantic partners. Bet ko na hindi pinasama ang karakter ni Ryan. Maganda sa pelikula na ito na puro mga independent women from different generations ang ipinakita. A cool lola who loves to travel and enjoy her life, a hardworking real estate officer and a busy corporate marketing girl boss.
Sa panahon na puro negativity ang nakikita natin, maganda rin na from time to time ay manood pa rin tayo ng fresh Pinoy content. Suportahan ninyo ang Mommy Issues na hanggang ngayon ay showing pa sa KTX.PH, Upstream.PH at IWantTFC.