BALIK-PELIKULA ang taekwondo Olympic medalist at Makati congressman na si Monsour del Rosario. Muli siyang mapapanood sa big screen via The Trigonal na isang action/martial arts film.
Ani Monsour, “Nami-miss ko yung atmosphere na napakagaan. At ang mga gulo at mga intriga, malayung-malayo sa pulitika. Masakit ang pulitika.
“Kasi noon, I enjoy being in the set, being with the crew. I enjoy talking to the director, with my co-stars, leading lady, my kontrabidas.”
Dagdag ng actor-politicia, maigsi lang daw ang role niya sa pelikula.
“Dito sa Trigonal, maigsi lang ang role ko. Support lang talaga ako kay Direk Vince (Soberano) dahil kababata ko siya, project niya ito. At saka, ito rin ang group na gumawa ng Blood Hunters.”
Thirteen years na nagpahinga sa showbiz si Monsour. Year 2005 pa nang huli siyang gumawa ng pelikula – ang Uno – kasama si Ronnie Ricketts.
Sa The Trigonal ay ginagampanan niya ang role ng mentor ni Ian Ignacio. Dapat din daw ay siya ang bida sa pelikula kaya lang, hindi kakayanin ng schedule niya sa Congress kaya pumayag siyang maging support na lang ni Ian.
“Dapat ako ang bida dito, pero hindi kinaya ng schedule ko yung syuting (sa Negros) Yung Blood Hunters kasi, ang maganda, ang syuting ay sa Bataan, so pagkatapos ko sa Congress ng Wednesday, diretso na ako sa Bataan. Saka do’n tatlo kaming bida, so puwede kaming magsyuting na hindi kami sabay,” katwiran pa niya.
Samantala ang Trigonal na showing na sa Sept. 26 ay prinodyus ng Cinefenio Fim Studios, RSVP Film Studios and Piaya distributed by Viva Films. Kasama rin sa movie sina Epi Quizon, Christian Vasquez and Rhian Ramos.
La Boka
by Leo Bukas