MAINIT na pinaguusapan pa rin ang isyu lalo pa’t professionalism ng singer na si Morisette Amon ang nakasalalay.
Madaming videos na ang naglabasan based sa salaysay ng show producer na si Jobert Sucaldito. Naglabas na rin sa media ng istorya ang TV Patrol kung paano isinagawa ang interview ni Mario Dumaual na akusasyon ng singer ay devastated siya sa content at pamamaraan kung papaano isinagawa ang interbyu gayong kung matino ka at nakakaintindi at marunong mag-analisa ay napakadisente ng panayam na sinagot naman niya ng buong puso na walang pagaalburoto. Nagbeso-beso pa nga sila ni Mario after the interbyu habang nakangiti ito na captured ng camera ng Kapamilya Network.
Ang latest sa Facebook posting ng show producer na si Jobert Sucaldito ay narito in full nang mabasa niya ang posting naman ng singer sa kanyang FB account,
“I read Morissette’s post sa FB wall niya kasi mag-friend kami sa fb- a note of gratitude to those who supported her during her hard times (sa nangyari definitely sa walk-out issue niya last thursday sa concert ni Kiel Alo sa Music Museum).
“May mga comments of encouragements etc. from her friends sa industry and loving fans like writer Julian Mauricio (anak ni kaibigang Tinna Mauricio) who said “i have your back and always will”, Moy Ortiz of The Company who said “prioritize self-care”, composer Kiko Salazar’s “will always be there for you in all seasons…” or something to that effect, etc.
“I’m glad to know that Morissette is okay na pala kaya lang ang hinihintay ko lang ay ang panghingi naman sana niya ng paumanhin sa mga taong na-offend niya sa show – to me as the producer who invited her to guest in that show na kahit nasaktan ay mahal pa rin siya; sa alaga kong si Kiel Alo na siyang headliner ng show na excited pa namang maka-duet sana siya; ang mga seniors ng concert na sina Tito Jun Polistico, Ms. Eva Eugenio, musical director Tito Butch Miraflor, Eira Bermudez and the rest of her co-artists sa nasabing concert and most especially sa lahat ng mga nanood ng show – the audience – na sinuong ang traffic at gumastos para mapanood sana siyang mag-perform pero wala akong nabasang ganoong remorse sa kaniya sa post niya. Parang siya pa ang naagrabiyado – iyon ang dating sa akin.
“Yes, Julian Mauricio, di ko sinasabing you can have my back too because i don’t need it darling pero parang – wait lang naman. Kung mahal mo si Morissette, mahal ko rin ang batang iyan kaya nga pilit ko pa rin siyang isinasalba sana sa show. kung alam mo lang.
“Yes, kaibigan Moy Ortiz – lead singer ka ng The Company – isang iginagalang and award-winning group na marami na ring napagdaanang struggles sa music industry whom i expected na, as an artist, ay naniniwala that a commitment is a commitment and anuman ang mangyari, the show must go on.
“Tama ka naman that priority talaga dapat ang self-care and i also thought of that for her too that fateful night ng show namin. Ang last option ko pa ngang ipinakikiusap kay David Cosico na business manager niya ay kahit magpakita na lang siya sa stage habang si David ang mag-a-apologize ay okay na. ‘kako ako na ang bahalang magpaliwanag sa audience makita lang siya – ayoko lang sabihing niloko namin ang audience by using her name sa tickets and posters para makabenta lang.
“Hindi ko naman sinabing wala siyang karapatang sumama ang pakiramdam, ma-depress or what kasi tao lang din naman siya, if you were in my shoes Moy, ano sa tingin mo ang pinakamaganda sanang gawin pag nalagay ka sa ganoong situwasyon most especially pag producer ka? Mataas pa naman ang respeto ko sa ‘yo Moy as an artist pero biglang lumalaho na yata. I never questioned Morissette’s character dahil I considered her as anak-anakan too at mahal ko rin, di ba? Gagawan nga sana namin ng solusyon ang problema that night.
“Yes, Kiko Salazar, i also understand your position as Morissette’s friend by saying that you will always be there sa lahat ng seasons ng buhay niya – ganoon din naman ako eh. Kahit sumabit na nga ako sa kaniya, hindi ko pa rin isinasara ang puso ko for her. Praying that she’ll be fine and pick up the pieces eventually. Para kasing kinukunsinti niyo pa siya sa nangyari eh. Mali naman yata ang ganoon.
“Ang point ko rito ngayon, since kaya na pala niyang mag-post sa fb ng gratitude niya, siguro naman ay na-realize na rin niyang nagkamali siya at kaya na rin niyang mag-post ng apologies sa mga taong nasaktan niya last November 6. Kahit huwag na ako kung sa tingin niya di ko deserve – kahit sa iba na lang most especially sa audience. Kasi parang mali eh – ganoon-ganoon na lang ba iyon? Parang di siya nagkamali kasi eh. i hope her management company, ang Stages Productions, must address this issue too. baka ang ending nito, kami pa ang may kasalanan. hindi na ako makapapayag niyan. ibang usapan na iyan,” pagtatapos ni Jobert sa post niya sa FB last night.