Mosang, lalaban sa mang-aabuso sa kanya

Mosang
Mosang

Isa ang komedyanteng si Mosang na nag-participate sa self-defense workshop organized by JCI Makati Princess Urduja Chapter and Michiko Unso for her brainchild B.R.A.V.E. (Bolder Reaction Against Violence To Empower Women) na ginanap sa The Big Shift Studio sa Makati.

Kasama ng mainstay ng “Pepito Manaloto” ang ilang volunteer women na tinuruan ng practical self-defense by two foreign male instructors.

Aminado si Mosang na kailangan nila ng self-defense techniques, dahil na rin sa vulnerable sila sa mga fans na bastos.

“Merong mga fans na ganoon, so dapat alam mo kung paano mo sila ide-deal. Kaming mga komeyante, we’re verbally abused. How will you deal with it when you’re alone? As a comedian ay tatawanan mo ‘yan on stage. Meron akong nakitang isang comedian, minura siya so minura din niya ang guy. So siya ang nakakahiya. When you’re alone how will you deal with it? So you have to seek people, seek professionals kasi siyempre draining ‘yun kung verbal ang abuse sa ‘yo,” she said.

Ikinuwento ni Mosang na nagkaroon siya ng dyowa who subjected her to physical and verbal abuse. Minsan, nagtalo sila pero kalmado lang siya. Nagulat na lang ang dyowa niya nang sinapok niya ito.

Itinantag ni Michiko Unso ang B.R.A.V.E. Women sa kagustuhang makatulong sa abused women around the country. She’s hoping na mapalaki ang organization para mas marami pa silang matulungang kababaihan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleRia Atayde, nape-pressure ‘pag ikinukumpara sa inang si Sylvia Sanchez
Next articleMeg Imperial, mala-Hilda Koronel sa isang drama show

No posts to display