TOTOO KAYANG balak na raw ng GMA Films na isapelikula ang My Husband’s Lover dahil sa phenomenal success nito?
Ipu-produce daw ng GMA Films, kaya lang ang problema under contract sa Regal Films sina Dennis Trillo at Carla Abellana.
Ang dinig ko, walang balak daw si Mother Lily na ipahiram sina Dennis at Carla. Baka co-production na lang, pero dinig ko rin ayaw nang makipag-co-produce ni Mother Lily.
Pero kuwento pa lang ‘yan ngayon. Malamang iba na ang kuwento sa mga susunod na araw. I’m sure mahihimok din ‘yan si Mother Lily. Knowing Mother!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis