Ang tawag sa kanya ay Mother Lily Monteverde. Siya katunayan ang “Reyna” ng mga tagapaglikha ng mga artista na hinangaan natin sa ilang nagdaang dekada mula nang pasukin niya ang showbiz noong 1961, bilang importer at distributor ng mga foriegn films noon.
Ayon sa maikling tsikahan namin kay Mother bago magsimula ang grand presscon ng MMFF 2015 entry ng Regal Films na “Haunted Mansion”, excited siya sa project niya na palaging tinatanong niya sa amin kung maganda ba ang trailer ng pelikula niya. Sabi ko sa kanya na fan ako ng Regal Films tuwing MMFF. Fan ako ng serye ng katkatakutang mga kuwento ng super hit sa takilya na Shake, Rattle, and Roll.
Pero sa taong ito, wala mang SRR sa listahan ng mga pelikula na suki ako kasama ang milyun-milyong mga Pinoy na pipila sa takilya, sigurado ako na hahakot ng milyones ang “Haunted Mansion”.
Sa full trailer, may gulat factor na akong naramdaman. May takot na nang mapanood ko sa sinehan last weekend. Sa katunayan, promising ang bida na si Janella Salvador na future bida niya sa mga pelikula ng Regal. Tipong Dina Bonnevie ang peg na maganda na sa screen ay may kasosyalan pa ang peg. Ayon kay Mother Lily Monteverde, happy siya sa positive feedback na nakukuha niya para sa MMFF 2015 entry ng kumpanya niya.
Tanong ko na diretsahan sa kanya kung kailan siya magre-retire sa pagpo-produce ng pelikula gayong isang matibay na haligi na sa industriya ang Regal Films na sa ilang dekada na pagpo-produce niya ng mga pelikula na bahagi na ng buhay ko at ng mga Pilipino bilang suki ng mga pelikulang Pinoy; isang mailkling sagot lang ang sinabi niya: “Showbiz is my life. I will die kung hindi na ako magpo-produce ng movie…” Basta kami, more films in 2016 and beyond Mother Lily. Love ka ng showbiz. Mabuhay ka!
Reyted K
By RK VillaCorta