AS WE GO to press, apat na senatoriables na lantarang sinuportahan ni Mother Lily ang ‘ika nga’y pasok sa banga sa hanay ng Magic 12. Ang mga ito’y sina – and in this particular order – Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Ralph Recto and Lito Lapid.
Of the four, tanging si Ralph lang is the sore thumb, a non-action star whose revered ancestral name yet nearly forgotten in Philippine history ay muling bumangon lang, thanks to his wife Vilma Santos.
Pero hindi na bagito si Ralph sa larangan ng pulitika. Nu’ng matalo siya in his re-election bid sa pagkasenador noong 2007, he was appointed NEDA Director.
As for Bong na topnotcher this 2010 polls, lalong uugong ang plano niyang tumakbo bilang Bise-Presidente. Even before kasi he announced his re-election bid at the Senate, ito na ang palaging inuusisa sa kanya. Now, the picture is getting clearer; Bong is in pursuit of a bigger dream.
MASSIVE VOTE-BUYING ANG karaniwang inirereklamo ng marami sa mga hindi pinalad noong halalan, isa na rito ang kaibigang-kumpareng Ogie Diaz na tumakbong konsehal sa kanyang distrito sa Quezon City.
Early on, maganda ang puwesto ni Ogie sa mga survey, nasa ikaanim siyang puwesto sa hanay ng mga councilor wannabes only to lose a possible seat yet landing in the Top 10. “But it is a nice try,” saad ng text message niya sa akin.
Kasabay nito’y kinumusta ko si Councilor Aiko Melendez na tumakbo sa pagkabise-alkalde, bagama’t hindi madaling mag-compose ng words of consolation para sa ‘di pinalad na kandidato. Simple lang ang ipinarating ko sa aktres-pulitiko: “God has a much greater plan for you,” to which ang tugon niya ay: “Yup… I know.”
Generally, hindi ngayon at hindi nginitian ng tagumpay ang ilan sa mga kaibigang tumakbo sa eleksiyon, be-all and end-all na ‘yon ng kanilang existence sa mundong ito.
SABIHIN NANG MABABAW lang naman ang pinag-aawayan, cheap kung cheap ang umaalingawngaw na talakan, but the fact remains that TV5’s Face-to-Face is lording it over the ratings.
Hosted by Amy Perez sa noontime block billed as Gusto Ko Noon, spin-off ang FTF sa American Show na The Jerry Springer Show. ‘Yun nga lang, Amy’s version has a professional panel composed of a lawyer, psychologist and what-have-you upang pumagitna sa mga problema ng mag-asawa, magkapitbahay, magkaibigan or any other interpersonal relationship na hinahanapan nila ng solusyon sa pagtatapos ng episode. But before a firm resolve is reached between the warring parties, siyempre, ang inaabangan ng mga manonood ay ang aktuwal na talakan ng mga ito, if not umaabot pa sa puntong nagkakaroon na ng pisikal na engkwentro.
It is an interactive show na maging ang studio audience ay nakikisawsaw sa isyu ng mga guest. Very Pinoy, ‘di ba naman?
THIS SATURDAY NIGHT, pamper yourself with good music.
Inihahandog ng mga producer na sina Jobert Sucaldito at Lito Alejandria ang A Night With Richard Poon with his 15-piece orchestra with guest Asia’s Acoustic Sensation Aiza Seguerra.
Gaganapin ang show na ito at the Zirkoh, Tomas Morato, QC presented by Globe Asiatique Realty Holdings, Inc., Mang Inasal (West Ave. branch) and People’s General Insurance Corp. Major sponsors include Senator Juan Ponce Enrile, Mr. Neal Gonzales, Cong. Mitch Cajayon, MET Tathione, Quadro Frames, Faces & Curves, New Placenta by Psalmatre, Grand Boracay Resort and Charms and Crystals by Joy Lim.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III