Malapit na ang kaarawan ng lovable mother ng showbiz na si Mother Lily Monteverde.
Sa August 19, magsi-celebrate siya ng kanyang ika-nth birthday with a big “regalo” para sa LGBT communities with a gay romcom film na “That Thing Called Tanga Na”, palabas na sa darating na Wednesday, August 10 sa mga sinehan nationwide.
Love ng mga beki ng showbiz si Mother Lily Monteverde. Fag hag nga siya dahil basta’t beki, mahal niya. “They’re very talented. Believe ako sa kanila,” minsan niyang naikuwento sa amin nang makipag-umpukan siya sa amin at makipag-tsikahan habang waiting kami sa mga artista niya niya for a presscon noon.
Sa loob ng 55 years ng kanyang Regal Films sa pagpo-produce ng pelikula, hindi issue sa kanya ang mga pelikulang may temang “kabaklaan” dahil mahal niya ang mga mga kafatid at brothers na alternative ang lifestyle.
Mula sa mga pelikulang “Petrang Kabayo”, “Kumander Gringa”, at “Bala at Lipstick” na pawang ang karakter ng bida ay bading hanggang sa iba pang mga sumunod na ang karakter ng bading ay hindi na lang karikatura ng isang parlorista or gay impersonator, nag-evolve ‘yon sa mas makabuluhang gay-oriented films na entertaining na, socially-relevant pa like “Manay Po”, “Manay Po 2”, “Happy Together”, at marami pang iba.
Kaya as a gift to the beki community ay nag-attempt na naman si Mother Lily na i-produce ang pelikulang “That Thing Called Tanga Na” na tumatalakay sa pag-ibig, pasakit, at pangarap ng mga beki sa kanilang lovelife at sa kanilang mga buhay-buhay.
Nakakatawa man ang mga karaketer nina Billy Crawford, Kean Cipriano, Eric Quizon, Martin Escudero, at ang nag-iisang “babaeng bakla”na si Angeline Quinto, may magandang mensahe ang hatid ng kani-kanilang mga karakter sa obra ni Direk Joel Lamangan.
Si EQ (Eric) plays Papa Chiu na may lalaking na ini-sponsor ang needs ng bagets at material niyang pangangailangan ay isa sa mga old-reliable actor sa industry who can portray his role with ease na walang hang-ups.
Remarkable din ang previous gays role ni EQ sa “Pusong Mamon” with Lorna Tolentino noon.
Si Martin, pak na pak sa girl character niya na pusturang talbog ang isang fashionista. Talyada at awarang-awra sa kanyang “pa-girl” character.
After his kalokang gay portrayal sa “Zombadings” a couple of years ago, isang transsexual naman ang karakter dito ni Martin na gustong tumulong sa kanyang pamilya at mag-ampon ng kanyang sariling “anak”.
Si Billy, first time gumanap as beking si Baldo, isang security guard by night na sa kanyang pag-uwi ng bahay (may ka-live in siya), imbes ang kapartner niya ang kanyang kaaway sa domestic problems nila, ang nanay ng kanyang ka-live-in ang kanyang palagi nakababanga. The usual problems kapag kasama n’yo ang “in-laws” n’yo sa bahay.
Dream naman na makasal ni Kean na isang bading na fashion designer ang role. Kaibigan niya si Angeline, event specialist at trying hard singer ang karakter sa pelikula. Pero hindi alam ni Angeline, natikman pala ng kaibigan ang boyfriend na pakakasalan!
Kanya-kanyang drama sa buhay ang mga bading. Kanya-kanyang hugot at emote sa buhay pag-ibig nila at sa kanilang mga pangarap at failures sa buhay.
Tonight ang preem ng pelikula na magaganap sa SM Megamall at regular showing na sa Miyerkules (August 10) nationwide.
As a gift ni Mother Lily sa mga beki ang pelikula na sana’y ma-appreciate ng LGBTs ang gay romcom na “That Thing Called Tanga Na”.
Suporta sa pelikula sina Albie Casiño, Ken Alfonso, Timothy Yap, Paolo Gumabo, at Vangie Labalan.
Happy birthday in advance Mother Lily Monterverde.
Reyted K
By RK VillaCorta