NAPAIYAK at naging emosyonal si Piolo Pascual nang marinig ang speech ng Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde bago nagsimula ang presscon ng Northern Lights: A Journey To Love” yesterday, March 20.
Hindi napigilan ng aktor ang mapaiyak habang katabi niya ang co-star na si Yen Santos na panay naman ang hagod sa kanyang balikat.
“Not only do I find him to be a brilliant actor, he is a diligent one as well. His eyes speak of sincerity, his heart, filled with compassion for others.
“Right there and then, I thought this guy would go a long way in his career. I was right,” pahayag ni Mother Lily.
Umabot nang halos fourteen (14) years para makabalik ulit si Papa P. sa Regal. Una niyang ginawa noon ang “I Think I’m In Love” with Joyce Jimenez sa naturang production outfit.
“And 14 years after, I wished that he would do another movie with us. Northern Lights: A Journey to Love is an answered prayer,” dagdag ni Mother Lily
Reaksyon naman ni Piolo, sobrang na-overwhelm siya nang tawagan siya ni Mother Lily last Sunday habang papunta siya sa “ASAP”. He recalled na bata pa lang siya ay pinanonood na niya ang mga Regal movie.
“Sabi ko, ‘Grabe, ang sarap ng pakiramdam.’ I was so starstrucked by the thought of having Miss Roselle (Monteverde, daughter of Mother Lily), Mother calling me up, sobra po akong na-overwhelm habang papunta ako sa trabaho ko. Nakatataba ng puso to have Mother Lily call you up. Sabi ko, para akong Regal baby,” sambit niya.
Patuloy pa ng Ultimate Heartthrob, hindi raw niya akalaing darating siya sa ganitong punto na makagagawa ng pelikula sa Regal tulad ng “Northern Lights: A Journey To Love”.
“So I’m just really humbled by this. Thank you Mother! Thank you Miss Roselle!”