Nakakabilib talaga ang passion ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ng Regal Entertainment sa pagpo-produce ng pelikula. Wala silang pakialam kesehodang hindi pa ganun ka-sikat ang mga artistang sinusugalan nila.
Imagine, sa pelikulang The Debutantes na showing on Oct. 4 ay ang mga baguhang sina Jane de Leon, Chanel Morales, Michelle Vito, Sue Ramirez at Miles Ocampo ang bibida. Pero take note, kahit naman hindi nagkakaroon ng launching film ang mga dalagang ito ay pare-pareho naman silang very promising.
Sa lima ay masasabing si Miles ang mas may experience ay senior when it comes to acting. Dati kasi siyang child star na ngayon ay dalagang-dalaga na.
Si Sue, Jane at Michelle na mga Star Magic artists ay nakalabas na rin sa mga TV shows ng ABS-CBN. Si Chanel naman ay dating taga-TV5.
Ayon kay Mother Lily, hindi siya magsasawang magbigay ng chance sa mga baguhang artista na matupad ang mga pangarap nila sa showbiz na makagawa ng pelikula. Kung matatandan ninyo, ang Regal Entertainment din ang nagbigay ng chance kina Kiray at Janella Salvador na magbida sa pelikula at puro hit sa takilya ang nagawa nilang movie.
Ang movie ni Janella na Haunted Mansion ay nag-top 3 pa nga sa 2015 Metro Manila Film Festival na hindi naman ini-expect nina Mother Lily at Roselle na mangyayari.
Huling hit movie na prinodyus ng mag-ina ay ng pelikula ni Vhong Navarro at Lovi Poe na Woke Up Like This na kumita ng halos P70 million.
Samantala, ang The Debutantes ay sa direksyon ni Prime Cruz.
La Boka
by Leo Bukas