Larawan sa Canvas: Mouth to Mouth Talk with the Concert King Martin Nievera

Teka, mainterbyu nga ang makulit na artistang ‘yun. Dali! At baka umalis na. Ahahah! Ayan nagmadali na ako. At teka ‘di ba ‘yun si… si Martin nga!?

Hi Martin, p’wede ba kitang ma-interview? Ako si Maestro sa Pinoy Parazzi, hehehe… blah… blah… self introduction. Napatingin si Martin sa akin. “Aaah, well… sure! You’re very welcome!” Nakangiti, ngumiti rin ako, nagngitian kami. Sige na nga mapasadahan na’t baka mag-nosebleed pa ako. Naks! At naglalakad ng paatras! Lahat ng dumadaang kakilala binabati, binebeso-beso, may flying kiss pa! Humorous din itong si Martin at nakausap ko siya habang hinihintay ang oras para sa guesting sa The Buzz.

Si Martin  Nievera ay tinaguriang “Concert King” at tinatawag na “Big Mouth” dahil sa husay at pagiging ‘wacky host’ sa dating sariling show na Martin Late at Night at nang Penthouse Live show kasama si Pops Fernandez. Sa ngayon, isa siya sa original lead host ng no. 1 party show na ASAP ng Channel 2. Whoah!  Samantalang agaw-pansin pa siya sa tila inabangan ng madlang bayang pagkakamali ng isang singer sa pagkanta ng Lupang Hinirang noong nakaraang laban ni Manny Pacquiao.

Ahah!? Nagkakamali ba sa tono ang isang batikang singer? ‘Di ata, hah. Naaalala ko tuloy ipinagtanggol ko pa siya sa Facebook at may mga umalma pa. Hmmm… kayo kaya ang kumanta kung hindi kayo nerbyusin. Anyway, sa akin maganda at artistic ang pagkakanta niya at ‘di isyu ang pagmo-modernize niya ng tono.

Sinabi sa isang interview, noon ay nanggugulo lang si Martin sa mga kapatid habang sila’y nagbo-voice lessons.  Sabi nila, “We kicked Martin out of the room.” Pero hindi nila akalain na ang Martin na makulit at pilyo ay siyang magiging sikat na singer sa loob at labas ng bansa. ‘Ika nga, Martin is not just a singer but a total performer. Sa musika, napangasawa niya si Pops Fernandez kung saan nagkaroon siya ng dalawang anak na sina Robin at Ram, samantalang sa musika din niya nakatuluyan si Katrina Ojeda after ng break-up nila ni Pops.

Ano, kumusta Martin, mukha yatang lalo kang bumabata, ah? “’Di naman, hehehe!”

Ano ba’ng sikreto mo, ha, at mukha yatang bumabata ka? “Ah siguro ‘yong travel. As they say altitude helps you in staying young, well…”

Eh, kumusta naman ang lovelife mo ngayon, ha, Martin, puwede ko bang itanong? “Ah it’s wonderful! Wonderful!!!”

Ah, hindi ko na tatanungin si Pops sa ‘yo kasi past na iyon. “Hahaha, we’re good friends now.”

Uhmm, bale ilan anak mo? “I have three sons.”

Ilan ang babae mo? “Wala akong daughter.”

Heto naman at binago ko ang mga tanong. Haligi ka na sa showbiz. How do you see yourself 5 years from now? “Ah, I hope I’m still in the industry, singing my songs and my fans still hearing my songs, buying my albums. Being in showbiz is an awesome experience, an achievement.”

Ano sa palagay mo ang staying power mo? “I think it is in keeping in the same way you are, not getting any of this or that as many are doing today. Just going with the ‘uso’ would want to be like anyone else. It is also keeping in track of discipline in this business.”

Dahil nakalarawan sa canvas, anong subject ka? “I would be something peaceful. I want to put there some of the peace I miss with lots of things; peace in life, peace in love. I may be a stream free flowing where everything is calm.”

Wow, ha! Pero bilib ako kay Martin, mahusay na host at malakas ang humor appeal.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleHulicam: Alvin Aragon, gimik lang ng gimik?
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #169

No posts to display