NAKU, mukhang madedethrone na bilang YouTube Queen ng Pinas si Ms. Alex Gonzaga. Why? Dahil certified YouTuber na ang kanyang superstar sissums na si Toni Gonzaga!
Kung noon ay very careful si Toni sa pagexpose ng kanyang personal at family life, mukhang mas open na ngayon ang Multimedia actress dahil na rin sa influence ng kanyang younger sister. Kung si Alex ay puro kakulitan at kalokohan ang inuupload sa kanyang channel, sure kami na Toni will be full of words of wisdom and life lessons lalo na pagdating sa career tips at family life.
Sa tingin namin ay lalong nainspire si Toni to start her own channel while promoting the film ‘Mary, Marry Me’. Maliban sa TV interviews, mas kinarir ng Gonzaga sisters ang pagpromote ng pelikulang sila rin ang nag-produce by collaborating with several YouTubers. Naging comfortable na marahil si Toni kaya as a birthday gift to herself at sa fans na rin niya ay naglaunch na ito ng sariling YouTube channel.
Watch her first video and we’re expecting for more quality content from you, Mamshie Toni!