May mga linya sa pelikula ang tumatatak sa ating isipan na parang mga tattoo na itinatak sa balat ng manipis na karayom. Some movies are immortalized by their catchy lines. May mga linya na nakakatawa, matalinghaga, nanghahamon, nagmumura, nanunukso, nang-aapi at nag-aaklas.
Siguro mayroong sakit na amnesia ang taong hindi makakaalala sa mga Pinoy classic lines na ito: “You’re nothing but a second-rate trying hard copy cat!” (Cherry Gil in Bituing Walang Ningning); ‘Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Ang himala ay nasa puso nating lahat! (Nora Aunor in Himala) ; “Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!” (Vilma Santos in Saan Nagtatago ang Pag-ibig ?) : “Ayoko nang tinatapakan ako. Ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik! (Maricel Soriano in Kaya Kong Abutin ang Langit) at “Akala mo lang wala.. pero meron! meron! meron!” (Carlo Aquino in Bata, Bata…Paano Ka Ginawa?).
Mukhang madaragdagan pa ang mahabang listahan ng mga memorable movie lines dahil sa pelikulang And I Love You So. Bea Alonzo poignantly delivered many indelible lines in the movie: “Kung puwede lang sana I had five more days, five more years… five more lifetimes with him”; “You may have loved him longer but that doesn’t mean I loved him less”; “Ayoko, kasi masyado mo akong pinapasaya nakakalimutan ko siya”; “Ang haba pa ng buhay ko but I’d already lost that one person worth living for”; “Pagod na kong maging malungkot, ang hirap namang maging masaya kasi nanakit ka ng ibang tao” at “Gusto ko magmahal ulit pero paano ko gagawin ‘yun kung sa puso ko buhay na buhay ka pa.” Biro ko nga kay Bea ay maaari siyang ituring na “prinsesa ng mga bakla” dahil sa kanyang mga linyang binitiwan sa pelikula. Pasok sa tenga, tagos sa utak hanggang sa puso at kaluluwa. I have watched the movie twice and I am more convinced than ever that she is the next great dramatic actress.
Bravo, Bea!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda