Movie ni Eugene Domingo, tumabo sa takilya – Tita Swarding

OLA CHIKKA. WALANG BATAYAN ang mga patutsada at ng ilang mga naglabasang tsika na flopsina ang pelikula ni Eugene Domingo, ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme. Noong isang lingo, sa premiere night nito ay dinaluhan ito ng mga bibigating mga artista at isa na riyan ang bida na si Eugene at ang producer ng pelikula na si Piolo Pascual under Spring Film Productions. Sa kabila ng lahat ay hindi pinalagpas ng mga makakating dila at kamay at sinabing flopsina ang pelikula. Sa unang araw nang ipinalabas ang pelikula ay kumita na ito ng P2 milyon at noong Sabado, ang huling tala ay kumita ito ng P8 milyon. Hindi man umarangkada o nag blockbuster ang movie ay pasok pa rin ang pelikula at hindi ito nilangaw. Para sa kaalaman ng lahat, ang pelikulang ito ay isang independent film o walang malaking movie company ang umalalay. ‘Di ba, bongga?

Palaban na nga ang mag-asawang Donna Villa at Direk Carlo Caparas. Hindi na papayag ang mag-asawa na apakan ang kanilang pagkatao o maliitin ito. Oo nga naman, kahit sino ‘di papayag na gawin ito. Nag-ugat ang isyung hindi mamatay- matay tungkol sa National Artist award at ngayon ay hinalungkat na pati ang achievements ng magaling na direktor.

Pati ang nagawa niya sa industriya ng showbiz  at ngayon ang pagtakbo naman ang ibinabatikos laban kay direk carlo. Ayon sa asawa ni direk na si Donna, si Carlo ang magtatanggol sa mga inaapi kaya pinag-iisipan niya kung sasabak na nga ito sa pulitika. Todo-suporta ngayon ang maybahay ni Direk Carlo sa kung anuman ang pasukin nito at nakahanda nga si Donna na suportahan ang asawa nito sa abot ng kanyang makakaya. Kaya sa lahat ng bumabatikos kay Direk Carlo, naku, magtigil na kayo. Dagdag pa ng maybahay ni Carlo, magkakaroon na sila ng bagong talkshow. Naku, aabangan ito ng lahat. Pero hindi pa nababanggit ni Donna kung ano ang pamagat ng talkshow na ipapakita nila sa publiko. Nakalatag na raw ito at sigurado na. Ang nakakaloka ay hindi pa mababanggit ng maybahay ni direk Carlo kung saan ito ipalalabas. Ang tsika lang sa akin ni Donna ay “Basta, Tita Swarding, sa malaking network ito.” Naku, ha, abangan na lang natin kung ito ba ay sa Kapamilya o sa Kapuso ipalalabas. ‘Yun na!

Other showbiz news today by Tita Swarding:

Willie Revillame, bibili ng airplane?!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleRegine Velasquez, tinabla ng bayaw? – Chit Ramos
Next articleCogie Domingo, takot na takot kay Chavit Singson – Cristy Fermin

No posts to display