ISANG GRUPO KAMI ng movie press na nagbibiyahe noon papuntang SM Fairview nang mapag-usapan ang indie movie na Manila na prinodyus ni Piolo Pascual. Marami pala ang tunay na nagmamahal sa napakabait na actor, kung kaya’t nagkaisa kaming pagmalasakitan siya sa pamamagitan ng pagpapayo sa kanya sa aming columns.
“Nabubulabog na siguro ang nananahimik na mga kaluluwa nina Lino Brocka at Ishmael Bernal ngayon. Kung bakit naman kasi, pinakialaman pa ng mga nasa likod ng pelikula ni Piolo ang mga obra ng dalawang namayapang direktor. Hindi bale sana kung gumanda ang bersyon nila ng Manila at Jaguar, mga klasiko na ngayong pelikula, pero, hindi eh. Sana, hinayaan na lang nilang manatili sa isipan ng lahat ang dating mga pelikula in its original version,” anang isang kritiko.
“Marami ang iiling-iling. Kung totoong umabot ng P10M ang nagastos ni Papa Piolo sa prinudyus niyang indie movie, maghunos-dili siya next time sa paglabas ng ganu’ng halaga. Pinaghirapan niya iyon. Galing sa dugo at pawis niya. Sampung beses sana niyang isipin, bago maglabas ng ganu’n kalaking halaga,” patuloy nito.
“Sana, makarating sa kanya na marami ang inantok sa mga nanood sa press preview pa lang. Mayroon ding humihilik na nang hindi nila nalalaman. Sana, hindi na nil