SA KATATAPOS na 66th Cannes International Film Festival, masasabing successful ang movie nina Piolo Pascual at Gerald Anderson na On The Job. Kahit na kasi hindi pinalad na mag-uwi ng award ang mga Pinoy na lumahok doon, waging-wagi naman sa film market ang movie nilang OTJ na produce ni Dondon Monteverde and company na idinirek ni Erik Matti dahil binili ito nang US$12 million distribution deal sa buong USA.
Sa pera natin, almost P500 million ang kinita na kaagad nito sa America. Malaking tulong ito sa ekonomiya ng bansa. At malaking tulong din sa mga local producer natin na basta matino at hindi ‘yun puro kabaklaan ang tema ng pelikulang isinasali sa mga international film festival.
HINDI PALA ma-take ni JC Tiuseco na magka-girlfriend na mas matanda sa kanya. Naranasan na raw niyang magkaroon ng girlfriend na 3 years older sa kanya pero ‘yung mas higit pa roon ay hindi raw niya ma-take.
Ang role kasi ni JC sa Maghihintay Pa Rin, bagong teleserye ng GMA-7, may relasyon siya sa kanyang amo na mas matanda sa kanya. Kaya naitanong sa kanya kung posible siyang magmahal ng mas matanda sa kanya. ‘Yung tipong May/December affair?
“Parang hindi! Ha! Ha! Ha!” sagot ni JC. “Hindi, kasi paano kung matanda na kami, sobrang tanda na niya. Ang hirap naman no’n! Ha! Ha! Ha!
Paano kung mayroon kissing at love scene sila ng amo niya sa teleserye na mas matanda sa kanya ng almost 10 years?
“Hindi ko pa nababasa ang script. Pero kung magkakaroon, wala naman sigurong problema,” say pa ni JC na hanggang ngayon ay single pa rin matapos ang break-up nila ni Maxene Magalona.
HINDI NAMAN nagpaliguy-ligoy ang mga taong nasa pamunuan ng radio program na Pinas FM 95.5 na may nangyayaring payola (bayaran) sa mga DJ at sa radion program mismo para patugtugin madalas ang mga kanta ng mga singer.
Pero kakaiba raw sa kanila radio program dahil di sila tumatanggap ng payola. Basta makatulong sa mga baguhang singer ay puwede nilang patugtugin ang mga kanta ng mga ito. Hangarin nila ay makatulong lalo na sa mga OPM singer.
80 % ng mga kantang pinatutugtog nila ay mga OPM dahil gusto nilang i-promote ang mga kantang Pinoy at hindi rin sila tumatanggap ng mga commercial ng alak at sigarilyo dahil di naman daw ito makatutulong.
Aminado naman sila na malaking pera ang nawawala sa kanila sa pagtangging tumanggap ng commercial na hindi makapagbibigay ng magandang halimbawa sa mga radio listener.
Kaya sa mga baguhang singer na may bagong album na wala namang masyadong budget para makapagbigay ng payola para mapatugtog ang kanilang mga kanta, may pagkakataon na kayong marinig at mapatugtog sa radio program ang mga kanta ninyo nang libre at walang babayaran.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo