ISANG REVELATION ang haba ng pila at dami ng taong nagrerequest ng pelikulang Haunted Forest during the first three days of the Metro Manila Film Festival. Hindi naman kasi main leading lady sa ABS-CBN si Jane Oineza na bida ng pelikula, pero nakakabigla sa nakararami ang hatak niya sa fans.
S’yempre, hindi natin maipagkakaila na malaki rin ang tulong nina Maris Racal, Jon Lucas at kapares niya na si Jameson Blake. Todo rin ang support ng fans nina Miho Nishida at Myrtle.
Sa totoo lang, hindi naman nakakatakot ang Haunted Forest. May mga gulat factor, pero it is better to manage your expectations. Kung ibang pelikula ito ay nag-walkout na ako, pero may appeal sa akin ang father-daughter angle nito (Raymart Santiago plays the role of Jane’s father) at nakakaaliw din tingnan ang pagkakaibigan ng apat na bidang bagets. Mas family drama ito kaysa sa horror.
Ang tanging reklamo ko lang sa pelikula ay hindi talaga ito horror. Pagdating sa istorya, aktingan, cinematography, music at editing ay panalo ito. No wonder naipasok ito sa MMFF. Siguro’y naging advantage na rin nila na hindi ito masyadong violent para makanood ang mga bata.
Napakaganda ng rehistro ni Jane Oineza onscreen. Misteryosa at hindi nakakailang ang pag-arte niya. May kilig din ang tambalang “JaneSon” kahit na limited lang ang moments na puwede silang maging sweet. Sina Maris at Jon ay natural din at ang eksena nilang apat ay realistic dahil napaalala nito sa akin ang mga bakasyon ko sa mas liblib na probinsya kasama ng mga pinsan ko noong ako’y teenager pa.
Kahit na hindi masyadong visible sa TV si Jane, sana ay bigyan ito ng Regal ng follow-up project where she can show her acting talent lalo na sa drama. She has what it takes to be the next Judy Ann Santos. Ang maganda kay Jane ay hindi ito nakadepende sa loveteam at mukhang kering-keri na niya na maipartner sa mas nakatatandang leading man.
Bibigyan kaya si Jane ng Regal ng follow up project? Abangan na lang natin!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club