GUMAGANA BA ang iyong GAYDAR? Nade-detect mo ba kung men o pa-mhin ang mga lalaking nakapalibot sa ’yo?
Isang romance-comedy ang pelikulang Gaydar ni Alvin Yapan, na kilala bilang direktor ng Cinemalaya entries tulad ng Ang Sayaw ng Dalawang Paa at Ang Panggagahasa ni Fe. Ang Gaydar na ‘ata ang pinaka-light movie sa filmography ng direktor. Isa ito sa tatlong pelikulang kasali sa kauna-unahang Quezon City Film Festival.
Si Pauleen Luna ang babaeng bida sa Gaydar. Sa wakas ay nabigyan din ng lead role ang Eat Bulaga mainstay, na madalas ding mag-kontrabida sa mga pang-dramang palabas ng Siyete. Ang papa-ble hunks na sina Rafael Rosell at Tom Rodriguez naman ang leading men ni Poleng. Pansin n’yo ba na bentang-benta si Papa Tom sa mga beki-themed projects? We’re not complaining though!
Ang Gaydar ay tungkol kay Tina (Pauleen Luna), isang babaeng palaging nahuhumaling sa mga bakla. Dahil mayaman at laging sunod ang luho, may pagka-idealistic ito pagdating sa love at ever dependent siya sa poor but mapormang bestfriend na si Jerry (Rafael Rosell). Nakilala ng dalawa si Nick (Tom Rodriguez), isang guwapitong FX driver na may sikretong itinatago. Ipinapakita ng pelikula ang pag-i-stereotype ng mga babae sa kung sino nga ba ang gay or straight. Sa totoo lang, natawa ako sa ilang linya ng pelikula dahil napagdaanan ko rin ang mga problemang kinaharap ng karakter ni Pauleen Luna at effective din ang dalaga sa pag-portray ng kanyang mga linya. Hindi OA at very endearing Siya bilang Tina.
Kapansin-pansin ang pagpayat ni Rafael Rosell at nakatutuwa naman ang kanyang pagganap bilang Jerry, na hindi mo alam kung beki nga ba talaga o hindi. Malakas ang onscreen presence ni Tom Rodriguez, na halos hindi tumigil ang mga manonood sa paghiyaw sa tuwing siya’y nabibigyan ng close-up shot.
Sa panahon ngayon, ruler na lang daw ang straight. Totoo nga ba ito? Yes or No? Worth panoorin ang Gaydar lalo na kung gusto ninyong matawa at mag-relax. May unos na pinagdaraanan ang bansa ngayon, pero may karapatan din naman tayong manood ng pelikula’t ngumiti kahit papaano.
Napanood niyo na ba ang Gaydar? Ano ang masasabi ninyo?
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club