Movie Review: A THIEF, A KID AND A KILLER

Epy-Quizon-Felix-Roco Jade-Lopez HANGOVER! SIGURADONG lahat ng movie fans na nangarir sa panonood ng Cinemalaya Films sa pamamagitan ng pagsugod sa Cultural Center of the Philippines at Ayala Malls (Trinoma, Greenbelt and Fairview Terraces) ay overwhelmed pa rin up to this day. Three out of fifteen competing full-length films lang ang napanood ng inyong lingkod, pero keribels lang dahil magaganda naman ang mga pelikulang aking nakita.
Ang ‘A Thief, A Kid and a Killer’ ang closing film ng Cinemalaya X. Mula sa direksyon ng American-Korean director na si Nathan Adolfson, isang fast-paced black comedy ang TKK. Bago pa man inumpisahan ang palabas ay ikinuwento ng direktor ang ilan sa mga pinagdaanan ng produksyon hanggang sa makapag-tour na ang pelikula sa Europa at America.
Ang kuwento ay umiikot sa isang Jewelry Store Robbery na ang involved ay dalawang mag-pinsan (Felix Roco and Epy Quizon) at dalawang kurakot na pulis (Jack Falcis and Lance Raymundo). For some reason ay nakapasok sa condo unit ng Fil-Am kiddo (portrayed by newcomer Arvy Viduya). Kasali rin ang Starstruck Batch 1 alumni na si Jade Lopez bilang Kyla, ang isa sa rason kung bakit naganap lahat ng kalokohang ito!
Ang nagustuhan ko sa “A Thief, A Kid and a Killer” ay ang fast-paced story telling nito at effective portrayal ng mga artista. Believable ang pagkataranta ni Felix Roco yet you will emphatize with his character. Ang transition ng character ni Epy Quizon bilang protective cousin to being a traitor made me feel sorry. Scary and very irritating si Jack Falcis habang nakaaaliw din ang pagganap ni Lance Raymundo bilang sidekick na may kakaibang fetish.
Parang masarap yakapin ang batang si Arvy Viduya sa ilang eksena sa pelikula. Okay ang chemistry nila ni Felix Roco from suspect-victim to best friends.
Napakaganda ni Jade Lopez sa kanyang mga eksena at hindi OA ang pagkaganap niya sa kanyang mysterious character. Napansin din namin na bagay rin sana sa kanya ang mga action-themed films dahil may hawig ito sa ilang female Asian stars like Jun Ji-Hyun and Zhang Zi Yi.
Matutuwa ang mga manonood sa pelikulang ito dahil walang dull moment. With funny lines, competent cast and a rollercoaster ride of emotions, we won’t be surprised kung patuloy itong papalakpakan sa iba’t ibang film festivals. Sana magawa rin natin ito sa mainstream!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Previous articleShe’s Dating the Gangster with the Korean Superstar
Next articleSylvia Sanchez, ayaw ng maldita at pasaway na GF sa kanyang anak na si Arjo Atayde

No posts to display