Movie Review: This Time I’ll Be Sweeter (Ken Chan and Barbie Forteza)

KEN CHAN AND BARBIE FORTEZA

MARAMI ANG NATUWA for Ken Chan and Barbie Forteza nang bigyan sila ng Regal Multimedia ng kanilang first mainstream film as a loveteam na sila ang bida via “This Time I’ll Be Sweeter”. Thanks to the successful primetime series “Meant to Be” (patunay lang na isa talaga siya sa pambato ng GMA-7), nakita ng Monteverde Family ang potential ng dalawa.

The truth is lahat ng boys na kasama ni Barbie sa nasabing palabas ay bagay sa kanya. In the end ay ang KenBie tandem ang nagkatuluyan. In terms of drama ay si Ken naman talaga ang kayang lumevel up sa galing ni Barbie sa pag-arte, which is already a given fact noon pa lang.

Dahil gusto ko na mag-succeed si Barbie Forteza, isa ako sa mga naunang nanood ng This Time I’ll Be Sweeter kagabi. Aaminin ko na matagal-tagal na akong walang bet sa mga projects ni Joel Lamangan lately, but this movie made me a satisfied movie viewer.

Kung isa kayo sa mga mahilig manood ng loveteam-driven dramas noong 90’s, sure ako na maaappreciate ninyo ang pelikulang ito. Tungkol ito sa matalinong journalism student named Erika (Barbie Forteza) na nabigyan ng pagkakataon na mainterview ang kanyang swimmer college crush na si Tristan (Ken Chan). Noong una’y nagkaroon sila ng misunderstanding but later on blossomed into something more. Hindi aware si Erika na may girlfriend pala itong si Tristan kaya noong nag-graduate sila ng college ay bitter-biterran ito.

Fast forward to the present, isang trahedya ang mag-uugnay muli sa dalawa. Katulad noong nakaraan, hindi na naman okay ang initial interaction nila, pero magiging okay din sila eventually. Sa totoo lang, may mga flaws pagdating sa character development ng dalawa dahil hindi sila masyadong lovable na characters. Mabuti na lang at maayos ang direction at magaling ang mga artista. From lead stars Barbie and Ken to supporting cast members Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Jai Agpayan and Thea Tolentino.

Sana ay hindi magsawa ang Regal Films sa pagproduce ng movies for Kapuso stars lalo na sa mga deserving, but they also need to be careful sa character development ng mga tauhan dahil baka matulad lang sa mga teledrama ng GMA-7 ang daloy ng istorya. Suggestion lang naman hehe!

Kung kayo ay certified Kapuso viewer or mahilig sa mga drama romance films, you better catch ‘This Time I’ll Be Sweeter’ in cinemas nationwide!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Previous articleWOW NAMAN! Kris Aquino, kinilala bilang 2017 Best Influencer ng Berlin Native Advertising Awards
Next articleTHE JOSHLIA WISHLIST: Joshua Garcia, dream na makapunta sa New York with Julia Barretto!

No posts to display