KATATAPOS LANG ng Cinemalaya X Film Festival at kahit samu’t saring kontrobersiya ang kinasangkutan nito, we cannot deny the fact na busog na busog ang Cinemalaya fans sa quality films.
Ang #Y ni Gino Santos ang unang pelikula na aking napanood sa Trinoma. Nakagugulat nga dahil two hours before screening time kami pumila pero less than twenty na lang ang bakanteng upuan. Ito ay good sign dahil ibig sabihin ay alam na ng moviegoers kung alin ang mga pelikulang dapat tangkilikin.
We saw the trailer and this film is led by Kapuso hearthrob Elmo Magalona, TV5 Princess Sophie Albert, PBB Teen alumni Kit Thompson at ng It’s Showtime host na si Coleen Garcia. Very interesting ang trailer ng pelikula and may ideya agad ang manonood na hindi ito ang ordinaryong pakyut movie na kadalasang pinalalabas sa mainstream.
The movie deals with the fourth suicide attempt of Miles (Elmo Magalona). He’s usually calm and quiet, but a part of him wants to commit suicide at wala siyang solid reason to do it, kaya sobrang shocking sa parents at barkada niya ang mga kaganapan. Flashback scenes mostly ang ipinakita sa pelikula para maintindihan natin (o lalo tayong maguluhan?) sa gustong gawin ni Miles.
Interesting ang mix ng characters sa pelikula. Si Kit Thompson bilang Ping ang male best friend ni Miles, ang epitome ng happy-go-lucky guy na mahilig sa good time at may pagka-playboy. Si Sophie Albert as Lia ang girlfriend nito na virgin pa rin at secret crush ni Miles. Si Coleen Garcia bilang Janna ang nag-provide ng comedy lines lalo na tuwing nagsi-share siya ng kanyang sexcapaes sa bestfriend niyang si Miles.
Interestingly, kering-keri ng apat na bagets ang pag-portray sa kanilang roles. Very rare ngayon sa Pinoy cinema ang makapanood ng mga artistang magaling mag-deliver ng English lines at walang kiyeme sa wild scenes. The movie contains sex, drugs and social media. Maganda ang script, cinematography at ang music ay talagang nakadadala. It is one hell of a ride watching this film!
Swak din ang performances nina Chynna Ortaleza at Slater Young, pero hindi na kami magbibigay ng spoilers. No wonder nagkaroon ng Special Award ang grupo for their acting!
We’re hoping na magkaroon ng nationwide screening ang #Y. Siguradong maninibago ang fans ni Elmo Magalona dahil for the longest time ay puro wholesome roles ang ginampanan nito. This is the type of film that will make you experience the ‘fun’ of getting high, and end it with a big slap of reality.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club