TIYAK NA MAGTATAASAN na naman ang mga kilay ng ilang komedyante d’yan sa international exposure nina Moymoy Palaboy. Mukhang wala na talagang makapipigil pa sa pag-imbulog ng career sa ibang bansa ng duo. Sikat na ang dalawa sa Mexico, Indonesia, at America!
Tsika nina Moymoy Palaboy, may imbitasyon daw sila sa isang producer sa Mexico para mag-perform at magkaroon ng tsansang magtrabaho roon. Hindi nga raw akalain ng dalawa na mula sa kanilang video na nasa YouTube ay magiging instant stars sila sa iba’t ibang bansa. May isang show raw sa Mexico ang ginagaya ang kanilang ginagawa sa YouTube at click na click daw ‘yon sa mga manonood doon.
Dinadagsa rin ang dalawa ng endorsements na gagawin nila ngayong taon kasama na ang series ng isang sikat na brand ng inumin. Dalawa na lang daw ang wish na gawin ng dalawa, ang magkaroon ng solo gag show at magkaroon ng comedy film.
MATAGUMPAY ANG LAUNCHING ng paba-ngo nina Kris Aquino at Dingdong Dantes ng Pinoy Lab in line with the 25th Anniversary ng Edsa Revolution, ang ‘Freedom Scents’, na ginanap sa Activity Center ng Trinoma.
Hindi raw tumanggap ng talent fee si Kris sa pag-i-endorse nito at ang tanging hiningi ng TV host-actress sa CEO/President ng Bench na si Ben Chan ay magpatayo ng classrooms sa mga bata. Nagsimula ang event sa very powerful songs sa kanilang guest singers na sinundan ng isang bonggang fashion show.
SA UTAH, USA na pala naninirahan si Melanie Marquez. Isang lady farmer ng malaking hacienda na pag-aari nila ng kanyang American lawyer ang drama ng ex-beauty queen.
“I am beginning to love my lifestyle here in Utah, it’s hard because of the jobs but very rewarding! Actually, I am buying 188 mother cows and 900 goats this spring season. I am also looking for my horse to breed. Nangako ang asawa ko na gagawan niya ako ng isang arena para maturuan ko ang mga kabayo ko,” kuwento ni Melanie.
Dagdag pa niya, “I feel closer to my Savior when I count our blessings though trials come from time to time. But no matter how hard my trials are, still God is great.”
NGAYON ANG AIRING ng inaabangang Magic Palayok na pag aari ni ‘Cookie’ (Angeli Nicole Sanoy). Dahil sa magandang ratings ng Bantatay na aso ang bida, susubukan naman ng GMA-7 ang talking palayok na mula sa boses ni Manilyn Reynes.
Tsika pa ni Direk Joel Lamangan, first time niyang gumawa ng seryeng pambata sa telebisyon na hindi lang magugustuhan ng mga bata kundi ng magiging matatanda at young at heart.
“Puwede pala ako, akala ko hindi ko kaya. Maganda at makabuluhang programa. We promise you a good show,” sambit ni Direk Joel.
John’s Point
by John Fontanilla