IS IT TRUE that the finalists of Pilipinas Got Talent have already been pre-selected kahit noong kino-conceptualize pa lang ang naturang talent search?
Ito ang dilemma ng isa sa mga na-shortlist nang finalist (name withheld), a stand-up comedian from a popular bar in Quezon City (a stone’s throw away from Pinoy Parazzi office) na mukhang masisilipan ng ikadi-disqualify nito.
Magaling kung sa magaling kumanta ang naturang finalist otherwise he would not have been urged to appear during the auditions. Ang kaso, pumirma raw ito ng isang recording contract, bagay na hindi pa alam ng pamunuan ng ABS-CBN. Personally, I have become a near-viewer of PGT that does not only showcase Pinoy’s various talents kundi may iba’t iba ring mga kuwento sa buhay ng mga sumasali.
LATEST SURVEY AMONG the vice mayoral bets in Quezon City seems to be in favor of Councilor Aiko Melendez with 38% rating. Aiko is the running mate of mayor wannabe Mike Defensor.
Sensitibo ang tungkulin ng isang bise-alkalde, he or she serves as the presiding officer in the council. Apat na distrito ang bumubuo sa naturang lungsod, and you’re talking of 24 aldermen exchanging either brilliant or dissenting opinions on pressing issues.
Dito papasok ang katuwang ng mayor, who, ideally, should have served his or her time as a councilor, one term (three years) at the very least, para mapulsuhan niyang lalo ang pinag-uusapan sa konseho.
Aiko is no political greenhorn. Rarely does a councilor (city or municipal) hold on to his or her office for three straight terms. Sa kanyang panunungkulan, one of Aiko’s major cornerstones ay ang edukasyon for the deserving yet underprivileged.
Lest we forget, too, na ang current inspirasyon ng aktres-pulitiko na si Patrick Meneses ay dating vice-mayor, now full-pledged mayor, of Bulacan, Bulacan. ‘Ika nga, maraming tips pa on governance ang napupulot ni Aiko mula sa kanyang dyowa.
PARTY ON 5 will now simply be called P On 5, ito ang noontime program ng TV5 to pilot this Sunday, April 11 with hosts Lucy Torres-Gomez, John Estrada, JD De Vera, Ryan Agoncillo, Alex Gonzaga and Mr. Fu, among others.
Ano ‘yon, hindi pa man nagsisimula ang show, nagpalit na agad ng title? Says Mr. Fu, unang-una, ayaw raw nilang maakusahan na ginagamit ang salitang “party” bilang pangongopya sa Party Pilipinas ng GMA-7, although the program title existed already on the drawing table.
Ikalawa, let the latter “P” means a lot of things, mainly “Pera” dahil alam naman ng istasyon na malaking bentahe ang pamumudmud nito, lots of it, to attract viewers.
Puwes, (“P” pa rin, huh!), “pakitang” gilas na lang kayo para “panalo”!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III