KUMALAT ANG balita noong Biyernes, April 27, na nagsara ang isang Export Bank. Kasunod ng balitang ito ang pagdadalamhati naman ni Mr. Fu dahil ang pinaghirapan nitong ipon na umabot sa isang milyong piso ay kasabay ring naglaho sa pagsasara ng bangko.
Dahil dito, kasalukuyang nilalakad ni Mr. Fu at ng iba pang depositors kung paano sila makakakuha ng insured amount man lang ng kanilang deposit mula sa PDIC. How sad!
DAHIL SIGURO sa mahigit tatlong taon na silang magkasintahan ay marami ang nagsasabing for good na nga ang relasyong Victor Basa at construction heiress na si Divine Lee.
Madalas silang makitang magkasama sa mga sosyalang event at talagang love is in the air talaga ang drama ng dalawa. Kaya naman nitong recent vacation nila sa Japan, kasama ang ilang mga kaibigan, may nagsasabing baka nga raw nag-propose na nang kasal si Victor kay Divine. Nilinaw namin ito kay Victor nitong Linggo lang sa isang event sa SM Megamall. Aniya, “Walang katotohanan yan, we’re just enjoying each other’s company. We were both young and marriage can wait.”
Pero dagdag pa niya, si Divine ang nakikita niyang babaeng magiging ina ng mga anak niya at makakasama niya habambuhay. Well and good dahil pareho naming kaibigan ang dalawa. Muwahh!
NGAYON PA lang, marami nang artista ang maugong na tatakbo sa pulitika. Kanya-kanya na silang paramdam sa mga lugar na balak daw nilang pagsilbihan. Sa Laguna, tinatawag nang Vice ng mga tao si Dennis Padilla na palaging kasama ni Governor ER Ejercito. Sa isang event noong December nang nakaraang taon, dinig na dinig namin ang pagtawag ng Vice ke Dennis ng mga taong kanyang makakasalubong.
Samantala, may narinig naman kaming ugong-ugong na nagparehistro na raw bilang botante si Philip Salvador sa Pandi, Bulacan kung saan matalik niyang kaibigan ang Mayor dito na si Mayor Enrico Roque. Bali-balitang tatakbo raw si Philip bilang bise-gobernador ng lalawigan kung saan ang kasalukuyang bise-gobernador ay si Dan Fernandez na isa ring artista.
Ayon naman sa pamangkin kong kakagaling lang ng Ormoc City, matunog na matunog na raw sa mga tao roon ang pagtakbo ni Richard Gomez bilang Mayor ng Ormoc. Malakas na malakas daw ang hatak ng pangalan ni Goma sa mga Ormocanon, kung saan kasalukuyang kongresista ang kanyang asawang si Lucy Torres-Gomez.
Maugong na rin ang balitang tatakbo si Aga Muhlach sa isang bayan sa Camarines Sur, kung saan galing ang kanyang mga ninuno. Pati ang dating pangulong si Joseph Estrada ay balak daw tumakbo bilang alkalde sa capital city ng bansa, ang Maynila.
Iilan pa lamang sila sa mga pa-ngalang maagang lumutang na tatakbo sa 2013 elections pero hindi pa ito kumpirmado. Ilang buwan na lamang ang ating aantayin dahil pagdating ng Setyembre ay maglalabas na ng mga pangalan ang mga partido ng kani-kanilang mga manok sa bawat probinsiya at lalawigan.
NABALITAAN NAMING may isang malaking project na gagawin si Arkin. Kaya naman kinausap naming siya thru facebook messaging. Totoo nga ba ito? Masaya niyang sagot, “Yes, may gagawin po akong indie film na ipalalabas din sa Indonesia. “Mohammad at Abdulla” po ang title.
“Makakasama ko po rito si TeeJay Marquez ng Tween Hearts bilang Mohammad at gagampanan ko naman po ang role na Abdulla. Istorya po ito ng dalawang magkababata na mag-bestfriend, lumaki sila nang sabay at karamay ang isa’t isa sa lahat ng bagay.
“Basta maganda ang twist ng istorya nito saka may mapupulot na aral ang mga manonood. Kakaiba siya for me at challenging ‘yung role ko rito. Kaya nagpapasalamat po ako sa tiwalang ibinigay sa akin ng producer namin, consultant, at ni Kuya Germs dahil isa po ako sa napili nilang gumanap dito sa project na ito.”
Sa ngayon pagbubutihan daw ni Arkin ang kanyang trabaho upang marating man lang ang mga na-achieve ng kanyang mga iniidolong artista.
Say niya, “Gusto ko pong sundan ang yapak nila Dingdong Dantes, Dennis Trillo at Piolo Pascual kasi sobrang husay nila sa larangan ng pag-arte at ayun ‘yung goal ko rito sa industry, maging mahusay na aktor at maging inspirasyon sa mga ibang tao din.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato