MTRCB Chair Arenas, nilinaw na ‘di sakop ng ahensya ang online movies

Wala pa isang buwan (she started last February 1) sa kanyang pagkauupo si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas (dating Pangasinan 3rd District Representative), nalagay na ito sa intriga.

MTRCB Chair Rachel Arenas

Isyu ito tungkol sa pagre-regulate ng MTRCB at panghihimasok ng kanyang opisina sa mga pelikulang lumalabas online tulad sa YouTube, Facebook, at NetFlix na kumpanyang nagpo-produce ng pelikula na pang-online na napanonood by subscription.

“I was misquoted,” panimula ni Chair Rachel sa isang panayam kamakailan.

Kuwento niya kung paano nagsimula ang intriga sa kanya, “They interview me sa isang local radio station sa Pangasinan, na tinanong sa akin kung anong gagawin sa pirated DVDs and I said it’s not under the MTRCB but the Optical Media Board.

“Tinanong din nila ako about cable channels and I never said I want to regulate it. What I said was they should do self-regulation or be more prudent with the shows and movies na pinalalabas nila.”

Dagdag pang paliwanag ni Chair Rachel, “Siyempre, nag-react agad ang mga tao at may nagsabi pa sa akin sa Facebook ng ‘Don’t touch my Netflix.’

“May counterparts kami sa ibang bansa na pinag-aaralan na rin ‘yan. Kasi because the advancement in technology is so fast, it’s hard to do cyber police. So I just want to make it clear, hindi ‘yan kasama sa jurisdiction ng MTRCB. I hope they’ll understand. Kung gustuhin man naming mapunta sa amin ‘yan, it’s difficult, kasi we have to amend the law. There will be a lot of debates muna kasi it’s sort of a gray area, ‘yung you can watch or download movies on the Internet. Nu’ng ginawa kasi ang batas noon, wala pang Internet.”

Speaking of regulation ng producers and directors sa kanilang mga pelikula, alam kaya ng MTRCB (o nagmamaang-maangan lang ang naabutan ni Madam Rachel) at kasama sa briefing sa kanya ng office niya na may dalawang istilo or version ang mga “gay” themed movies na isinusumite sa kanila for classification?

Una ay ang sanitized version na ipinapalabas sa mga third run theater na okey lang na ma-classify silang R-18 (free publicity na rin kasi ito), dahil mas kikita sila sa underground version na unedited ang mga eksenang blowjob, butt fucking, and rimming at mga eksena na para sa amin ay classified na triple x na naglipana sa underground market at ipinalalabas sa mga so-called private screenings?

Sa katunayan, may special screening nga sa February 25 ng gay indie film na “EDSA Power”, and not to be mistaken sa selebrasyon ng EDSA People Power this week.

Anyway, bukod pala sa dating congresswoman, ang bagong MTRCB Chair na pumalit kay Atty. Toto Villareal (we love him) ay aktibo pa rin siya sa kanyang gawain sa Red Cross at patuloy pa rin ang pagkilos at activities na ginagawa niya rito on weekends.

Si Madam Rachel ay anak ng socialite na si Ms. Baby Arenas.

Previous articleAlonzo Muhlach, bongga ang 7th birthday
Next articleDaniel at Erich, ‘di makumbinsi ang publiko sa dahilan ng hiwalayan

No posts to display