SOBRANG SIPAG ng tinaguriang “Action Man” na si MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chair Eugenio “Toto” Villareal sa pagpapalaganap ng kanilang campaign na “Matalinong Panonood”.
Marami ngang sumasaludo sa sipag at mabilisang aksiyon na ipinapakita ni Chairman Toto, sampu ng mga taong bumubuo ng MTRCB, dahil simula nang maupo ito, marami na itong lugar na napuntahan para ipaalam sa lahat ang kahalagahan ng “Matalinong Panonood”. Ilan dito sa Batangas City, kasama ang Board Members na sina Gabriela Concepcion, Noel Del Prado, Jacqueline Aquino-Gavino, Carmencita Guerrero, Mario Hernando, Liezl Martinez, Carmen Musngi, Jay Revestir, Milo Sogueco, at Gladys Reyes-Sommereux, na sinuportahan ng butihing Batangas Gov. Vilma Santos-Recto last March 13 and 14.
Nagkaroon dito ang MTRCB ng campaign para maipahatid sa mga Batangueño ang kahalagahan ng classification ratings system para sa pelikula at telebisyon.
Nag-inspection ang MTRCB ng mga public utility vehicles (PUVs) sa Batangas Grand Bus Terminal at Batangas Port. Para ma-monitor ang pagsunod ng PUVs at iba pang “mobile theaters” sa pagpapalabas ng mga pelikulang may General Audience (“G”) at Parental Guidance (“PG”) classification ratings lang.
Last March 14, ginanap din ang forum na “Para sa Matalinong Panonood ng Pamilyang Juan at Juana” conducted by Lyceum of Batangas and University of Batangas na dinaluhan ng mga estudyante, faculty members at administrators.
Pinuntahan din ng MTRCB officials last Feb. 24 ang grade school ng Ateneo de Manila at sa Woodridge College sa Soldier Hills IV, Molino 6, Bacoor City, kung saan ibinahagi ang ang kahalagahan ng movie and TV classification ratings system.
Sinuportahan din ng MTRCB ang 2014 Women’s Month Celebration na ginanap sa Quirino Grandstand ng Philippine Commision on Women na may temang “Juana ang Tatag mo ay Tatag Natin sa Pagbangon at Pagsulong” na dinaluhan din ng 10,168 officials and employees from various national and local government agencies, academic institutions and civil society organizations para ma-achieve ang Guinness World Record na may pinakamalaking bilang ng Human Women’s System Formation.
Nag-participate din ang MTRCB sa 49th Anvil Awards na ginanap sa Grand Pavilion ng Solaire Resort Casino.
Nag-conduct din ang MTRCB ng inspection at information drive na tinawag nilang “Stand Alone” sa mga sinehan sa University Belt/ Sta. Cruz area sa pangunguna ni Chief Registration Officer Atty. Ann Nemenzo at Monitoring and Inspection Unit Agents, Chairman Toto at Board Member Bobby Andrews.
Ang nasabing inspeksiyon ay para malaman kung sumusunod ang mga theater owners sa Presidential Decree 1986, kung saan isang sinehan ang nahulihan na naglalagay ng poster na rated “X” at unapproved billboard habang dalawang sinehan naman ang hindi nag-comply sa standee requirements under memorandum circular No. 10-2012.
Ayon nga kay Chairman Toto, “The requirement is meant to inform moviegoers, especially students in the area, that the movie may contain scenes, themes, languages, and certain aspects of sex, violence, drugs and horror not fit for those under the age classification.”
John’s Point
by John Fontanilla