MTRCB hot on gay films

MAIPALABAS KAYANG UNCUT ang Heavenly Touch?

Napanood namin last Thursday night ang director’s cut ng pangalawang handog ng DMV Entertainment, ang Heavenly Touch, sa My Cinema sa Greenbelt. It stars Paolo Serrano, Marco Morales and Gwen Garci and introducing si Joash Balejado sa direction ni Joel Lamangan. May special participation dito si Ambet Nabus bilang baklang pipi pati na rin ang iba pang kasamahan sa panulat tulad nina Mell Navarro and PMPC President Roldan Castro.

Kung hubaran lang din naman ang hanap ng kabadingan, hindi sila magsisisi sa pagbayad nila sa takilya when it opens this Wednesday in selected theaters. Sobra-sobra nga dahil nag-frontal sina Marco at Joash at pati na rin si Gwen, hubad kung hubad din. Baka mapag-initan ito ng MTRCB lalo na’t may dinemanda na silang tatlong producers na nagpalabas ng uncut sa UP Film Center. Buti na lang, hindi basta-basta ang production ng Heavenly touch ,’no?

At least sosyal nga ang movie, sa Makati ang premiere.

NAG-IINIT na talaga ang MTRCB sa mga kabaklaang pelikula, ha?

Speaking of MTRCB, biglang huminto ang sunod-sunod na pagpapalabas ng uncut gay-themed movies sa UP Film Center dahil na rin sa pagdemanda sa producers ng Aurora, Sagwan at ShowBoyz. Now, indie producers have found a way to circumvent this strictness by going directly to video. Pero feeling namin, pati direct to video ngayon, tinututukan din ng MTRCB like ang kaso ng isang hindi ma-release-release na video, ang Freshman ng Video Flicker.

Kalat na sa lahat ng gay websites ang litrato ng cutie only lead sa Freshman, si Andrew Miguel. Marami nang bading ang naghihintay na ma-release ang video. Kaso, three times na itong na-X ng MTRCB, so isa na lang ang paraan ng producer to salvage this, by appealing to the Malacañang. Sayang, ang ganda pa naman ng plano ng producers for this, ha? Kaya Freshman, dahil may Sophomore, Junior at Senior.

At take note, it will culminate in Reunion pa nga.

MAY BAGONG ALBUM ang Acoustic King Paolo Santos.

Kapag sinabi mong acoustic, Paolo’s name will come first. He is, after all, the acoustic king nga, na nagpasimula ng 21st century’s version of unplugged with his version of an obscure song na napasikat niya ng todo, ang Moonlight Over Paris. This was a platinum record, ha? Now, Paolo is releasing his new album entitled Back to Basics from Ivory Music. He has a new manager din, si Noel Ferrer.

Anyways, this is a 10-track all OPM revival done in Paolo’s sophisticated acoustic style. The carrier single is Photograph and the other songs are Gaya Ng Dati, Don’t Say Goodbye, Everyday, Million Miles Away, Yakap, Naglalambing, Walang Hanggang Paalam at Isang Tulog na Lang, duet with Bituin Escalante. May bonus track pa ito, Send Me One Line plus the 2009 version of Moonlight Over Paris.

Mabibili na ang Back To Basics sa lahat ng record stores.

Merese
by Dinno Erece

Previous articleJohn Lloyd and Luis, visit gay bars in NY
Next articleSantino might be missing out on his childhood

No posts to display