MTRCB, mas magiging mapanuri sa TV sa bagong klasipikasyon!

NAKAUSAP NAMIN si Chairman Grace Poe-Llamanzares tungkol sa bagong panukala ng MTRCB sa klasipikasyon ng mga palabas sa telebisyon, ang SGP o Strong Parental Guidance na ipatutupad na ngayong February 9.

Layunin ng SGP classification na magabayan talaga nang tama ng mga magulang ang kanilang mga anak sa panonood ng mga palabas sa TV.

Ayon pa kay Ma’am Grace, maglalabas sila ng promotional advertisement tungkol dito sa pamamagitan ng isang commercial kung saan bida ang pamilyang Legazpi. Maganda raw ang pagkagawa ng commercial nina Zoren, Carmina, at ng kambal at umaasa siyang maraming matututo at maging aware ang lahat tungkol sa tamang paggabay sa mga kabataan.

Dugtong pa nga niya na tagline din ng commercial, “Ang tamang gabay ay nagsisimula sa bahay”.

NAKAUSAP NAMIN si Janice de Belen at sabi niya, hindi niya inaasahang sa taong ito ay uulanin siya ng suwerte. La-king pasalamat daw niya na pinagkatiwalaan ulit siya ng Kapamilya Network ng mga magagandang proyekto katulad na lamang ng Budoy at ang kasisimula pa lang kahapon na showbiz-oriented show niyang SIR o Showbiz Inside Report.

Masaya rin niyang ibinalitang nakapag-two shooting days na siya sa pelikulang The Healing na pinagbibidahan ni Governor Vilma Santos at Kim Chiu.

After Budoy, dalawa pang teleserye ang nakatakdang gawin ni Janice sa ABS-CBN.

MALAPIT NANG ipalabas sa TV5 ang pinakabagong gameshow ng Kapatid Network na Toink. Ang nasabing show ay pa-ngungunahan ni Alex Gonzaga at cager na si Chris Tiu.

Masaya ang takbo ng laro dahil pagali-ngan sa paghula ang pinaka-mechanics ng game. Every week, may mga celebrity contestants kasama ang home partner nito na makikipagtagisan sa hulaan sa mga tanong ng segment hosts na si Pretty Trisha.

Teka lang, ‘di ba all time crush ni Alex si Chris Tiu?

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleMatira Matibay!
Next articleKaya ayaw makasama sa show si Joey Marquez Kris Aquino, tahimik na raw!

No posts to display