SUSPENDIDO ang commentary program ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) member Mocha Uson sa DZRH matapos aksyonan ng radio station ang mga reklamong natanggap nito kaugnay ng mga umano’y malisyosong pahayag ni Mocha laban kay Bise Presidente Leni Robredo.
Napanood ang program ni Mocha via live streaming ng DZRH sa Facebook, kung saan tinawag niyang “bobo”, “tanga”, at “fake news” ang bise presidente.
Sinabihan din ng masugid na tagasuporta ni Presidente Rodrigo Duterte si VP Robredo na “bumili ng utak”.
Para sayo ito Leni Robredo makinig kaFull video- goo.gl/2W6QN9
Posted by MOCHA USON BLOG on Saturday, March 18, 2017
Ayon sa mga reklamo, lumampas na ang sexy blogger sa limitasyon ng pagiging disente, kung saan gumamit siya ng mga malisyoso at mapanirang pananalita laban sa bise presidente.
Inireklamo din ang pag-atake ni Mocha sa local media na tinawag niyang “presstitute” at kawalan niya ng “broadcast ethics”.
Kinukuwestiyon din sa reklamo kung mayroon bang propesyunal na lisensiya si Mocha bilang broadcaster.