NABAHALA ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sampu ng pamunuan ng Philippine Commission on Women (PCW) sa ‘nude painting’ episode ng Pinoy Big Brother All In.
Kaya naman ipinatawag ng MTRCB ang mga tao sa likod ng reality show ngayong June 11 na um-attend ng mandatory conference para i-tackle ang gender insensitivity ng nasabing show.
Dagdag pa ng pamunuan ng MTRCB, nakaaalarma ang ganitong klaseng episode ng PBB All In, lalo na’t mga kabataan ang halos karamihan ng nanonood nito.
Pahayag naman ng pamunuan ng PCW, “PCW sees nothing wrong with women posing nude for art but it should be a woman’s free choice to do so. The episode showed the broadcast media’s coldhearted perpetuation of exploitation of women on national TV.”
Dagdag pa ng PCW, nakipag-ugnayan na sila sa MTRCB para mabigyan ng aksiyon ang nasabing episode ng PBB All In. “MTRCB must look into the said episode and take necessary actions therefrom.”
“ No individual, television show or entity has the right to cause discrimination, insecurity, discomfort, offense or humiliation to any woman,” ayon pa rin sa PCW.
John’s Point
by John Fontanilla