OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng nag-iisang chikadora.
Kumustahin natin ang talento ko na naisulat ko noon na talagang nakilala noon sa Thailand na si DK Valdez, na three months ago ay nagpa-presscon siya rito, at marami namang press people ang sumuporta sa kanya. Kaya lang, after ng presscon niya, lumipad na siya pa-puntang Germany dahil marami ngang offer sa kanya roon.
Pero nu’ng naka-chat ko nga siya sa facebook, gusto niyang iparating sa mga fans niya rito na talagang naging bongga ang eksena niya ngayon doon. At naging successful ang concert niya roon at nagpapasalamat siya sa Pinoy Radio UK sa aking program via Skype, na pinatutugtog na ang kanyang album doon, at tuluy-tuloy pa rin ang suporta ng kababayan natin.
Nagtatanong din ang mga fans niya rito sa Pilipinas kung kailan ba ang pagbalik niya para naman mapanood nila ang performance ni DK Valdez. Sagot naman ni DK na by September nga raw ang balik niya at pinagpaplanuhan din niya na mag-concert dito sa atin para maipakita niya ang naipakikita niya sa ibang bansa.
Kaya sana raw, mapagbigyan din siya ng mga gusto niyang makasama sa concert niya gaya ni Angeline Quinto, na kumpara kay Sarah Geronimo, pakiramdam daw niya, mas magiging maganda raw ang mararamdaman niya sa tandem nila ni Angeline.
Sa tingin ko nga, mas magiging bongga ‘yun. Kasi for sure, mas madaling makausap ‘yun kaysa sa mga alam mong lumalaki na raw ang ulo, tulad ni Sarah. Kaya nga raw siya binigyan ng sariling show sa ABS-CBN, kasi ‘pag nasa ASAP Live si Sarah, para nga raw sarili niya ang show.
Kaloka, ‘yan ang chikka lang sa atin ng mga kaparazzi. Kaya bonggadera talaga ang mga naging eksena.
Congratulations DK Valdez!
AT HETO naman ang mga eksena ngayong Monday na ito, kaya don’t make your Monday a blue Monday.
Kahit puro sakit ang mga balita ngayon kina Tito Dolphy at Direk Mario O’Hara, na parehong may pinagdaraanang sakit, kahit papaano, dapat na bigyan sila ng parangal, dahil marami silang naitulong sa showbiz industry.
Marami ang nagsusulat at marami rin ang nagko-comment, lalo na kay Tito Dolphy na dapat nang bigyan ng National Artist award. Pinapanawagan natin ‘yan. Tulung-tulong na lang tayo para sa ating idol, ‘di ba?
At siyempre, si Direk Mario, marami rin ang nagawang pelikula. Kaya dapat, ‘yang mga ganyang artista at direktor, bigyan natin ng mga parangal para kahit papaano, maging okay na ang pakiramdam nila.
Lalo siguro silang lalakas ‘pag nakatanggap sila ng reward sa kanilang paghihirap. Bongga nga itong naisip natin. Pak!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding