BLIND ITEM: TUMAWAG na naman ang isang mestisuhing young actor sa isang kaibigang bading.
“Wala ba tayo diyan?”
Alam na ng bading kung ano’ng ibig sabihin ng mga salitang ‘yon sa text ng bagets sa kanya. “Naghahanap na naman ng booking ang bagets! Wala na namang datung! Kaya nae-excite ako palagi, eh! Kasi, bihirang tumawag ang lolo mo. ‘Pag may pera, wa sa pagka-text kahit kulit-kulitin mo ‘yan. Pero pag wala, ‘yan na ang dayalog niya sa text!”
Mula sa 10k, bumagsak na hanggang 5k ang presyo ng bagets.
“Eh, siyempre, bumababa ang value, ‘di ba? Pero kahit Laila Dee (nakahiga lang to death) lang sa kama ang bagets, kahit nakikipagpingkian ako sa bangkay, keri na, ‘teh. Hindi na ‘ko choosy. Saka ang kinis-kinis ng lolo mo. Walang kakamut-kamot!”
Ha-ha-ha! Juice ko! Ang aming amiga talaga ay ayaw paawat sa kakukuwento! Nu’ng malaman namin kung sino ang bagets, aba, panalo nga ang aming kumare sa bagets. Na kung sa iba ‘yon, kahit 50 hanggang 100k, papatulan ang bagets. Juice ko, matapos ba namang rumampa ang bagets sa Bench at sa Cosmopolitan, ‘no!
O, tama na. Hanggang du’n na lang. Gusto na lang naming intindihin ang bagets na gipit lang siya, kaya niya nagagawa ‘yon. We still care for the bagets, lalo na’t mabait na bata naman ito.
BONGGA! NAMANGHA ANG Araneta Coliseum management, dahil matagal pa ang solo major concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum, sa May 15, pero as of today, naka-P1.5 million na silang worth ng tickets na naibebenta! Taray, ‘di ba?
“Sa totoo lang, everytime ipina-plug ni Vice ‘yung Araneta concert niya, ang lakas ng movement ng tickets, grabe! Eh, mga 12 thousand ‘yung capacity, kaya feeling ko, bago matapos ang April pa lang, sold out na ang tickets!” Sey ng concert producer na si Joed Serrano.
Yes, si Joed Serrano lang naman ang producer plus isang kasosyo na ayaw ipabanggit ang pangalan.
“Nakatutuwa si Vice, kasi, siya mismo, nag-iisip ng mga gimik para sa show. Hindi siya nakadepende lang sa writers ng show. Tapos, ang husay niya sa brainstorming with Direk GB Sampedro, kaya sigurado, sulit na sulit ang mga tao ‘pag napanood nila ang concert!”
We’re so happy for Jobert Sucaldito, dahil ang ang aming kapatid ay nagbukas lang naman ng isang branch ng Mang Inasal along West Avenue na ang kanyang kapartner ay ang Mama Fely Dela Cruz. Sa panahon ngayon, ang hihina ng mga negosyo, pero hindi pinanghinaan ng loob si Jobert lalo na’t siya’y isang Ilonggo talaga na siyang pinanggalingan ng chicken inasal.
Ang taray ng kanyang grand opening and wish namin para sa aming kapatid na sobrang laki ng naitulong din sa aming “pisi” ng pangangampanya bilang konsehal sa ikatong distrito ng Quezon City ay sana, magkaroon sila ng another branch ni Mama Fely.
At siyempre, ang pinakamahirap na parte ay ‘yung nagsasanib puwersa sa isang negosyo ang magkaibigan. Galing na kami diyan sa negosyong ganyan na “kumitil” sa friendship namin ng isang dating kaibigan. Kaya sana, manatiling harmonious ang kanilang samahan nila ni Mama Fely.
‘Wag n’yong kalililimutang makinig palagi sa “wow! Ang showbiiiz” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama siyempre pa sina Daddy Eric Borroemoe, Fwend Rommel Placente at Ms. F.
Sa March 26 ay pansamantala muna kaming hihinto sa pagsusulat at paglabas-labas sa telebisyon at pagraradyo, dahil makikipagsapalaran po kami sa mundo ng pulitika sa ikatlong distrito ng Quezon City.
Anuman ang mangyari ay hinding-hindi po kami hihinto sa pagsusulat hangga’t kaya ng aming powers. Salamat sa inyong lahat. Sana, palarin. Kung hindi naman, eh, baka hindi para sa atin ang bagong mundong ating pinasukan.
Oh My G!
by Ogie Diaz