HINDI PA MAN nananalo kamakailan si Manny Pacquiao laban kay Miguel Cotto ay matunog ang balita sa Pasay City (kung saan residente ang inyong lingkod) na dagdag sa marami nang ari-arian o holdings ng Pambansang Kamao ay ang Pasay City Cockpit.
Nag-iisa at napakalaking sabungan ‘yon sa Arnaiz St. (formerly Pasay Road) na pagmamay-ari ng pamilya Dy (its matriarch is a mayoral candidate).Tinatayang ilang daang milyong piso ang halaga ng property na ‘yon, na dinarayo lalo’t may idinaraos na derby.
Kilalang gamer/bettor si Manny na nag-aalaga ng maraming fighting cocks in his native GenSan City.
With another millions-worth property, beyond one’s imagination na yata ang net worth ni Pacman.
MORE THAN 200 na pelikula na ang nagawa ni Eddie Garcia, about 20 of these ay kasama niya si Dolphy.
The two veteran actors started out in Sampaguita Pictures, pero ni minsan daw ay hindi nauna si Tito Eddie sa billing.”I was never senior to Dolphy,” sey ni Tito Eddie who plays Tu (short for Turibio) in Nobody, Nobody… but Juan!, an entry to this year’s Metro Manila Film Festival.
Kapansin-pansin kay Tito Eddie that despite his age, he’s still one dynamo of energy and vitality. May nakapansin tuloy sa pulseras na suot-suot niya, one of those charms and crystals believed to bring good health.
“Ah, ito ba?” Patungkol sa kanyang magnetic bracelet. “Bigay lang ito ng kaibigan kong Muslim sa Greenhills. Sabi niya, gaganda raw ang health ko. ‘Ika ko, wala naming mawawala sa akin kaya isinusuot ko.”
Meanwhile, in the movie megged by Eric Quizon, playing the young Eddie is Vandolph. Nae-excite pa rin daw hanggang ngayon si Tito Eddie sa pagtanggap ng acting awards, saying this is what every actor regards as an incentive for his hard work.
HINDI KO PINALAMPAS nitong Linggo ang presidential forum ng GMA News & Public Affairs na Isang Tanong, and like everyone else ay gusto kong marinig ang bawat kandidato sa pampanguluhan (sayang at wala si Sen. Jamby Madrigal).
Aired at 10:45 P.M., marami ang hindi nakapanood ng forum na ‘yon, thus may request na magkaroon ‘yon ng replay, with second part this Sunday at an earlier time slot.
Of the eight presidential hopefuls, it was DND Secretary Gibo Teodoro that shone the brightest. Matatas siyang mag-Tagalog, klaro ang kanyang plataporma, realistiko ang kanyang pananaw at malakas ang kanyang karisma.
Just when I thought na aalagwa ang mahigpit niyang katunggali na si Sen. Noynoy Aquino, hindi pala.How disappointing dahil idinaan lang ni Noynoy sa SPEED at hindi sa SPEECH. Iba pa rin talaga ang gift of gab ng kapatid niyang si Kris!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III