NAKU! TINANGGAP KO na ang alok ng ABS-CBN 2 kay Christopher de Leon, kaya hindi na ito matutuloy sa TV5.
Maganda ang project na gagawin niya sa Dos na ang alam ko sina Piolo Pascual at Jericho Rosales ang makakasama niya.
Nagustuhan niya ang project kaya madali lang ang usapan namin sa mga taga-Dos.
Pero gagawin pa rin ni Boyet ang guesting niya sa TV5 na mini-series ni Nora Aunor.
Hinihintay na lang ng aktor ang script, kung ano talaga ang gagawin niya sa mini-series na ito ni Guy.
BONGGA PALA SI Manny Pacquiao, huh!
Ang nakarating na balita sa amin, umaariba raw sa music chart sa Amerika ang kantang ni-record niya na Sometimes When We Touch.
Ang original na kumanta na si Dan Hill ang ka-duet niya sa kantang ‘yun at ayon sa balita, nasa number 7 ng Secondary Adult Contemporary Chart daw ang kanta niya ngayon na dati’y number 11 pa lang siya.
Iba talaga ang kasikatan ni Manny na hindi lang dito sa atin kundi buong mundo na!
Paboritong kanta ni Manny itong Sometimes When We Touch at puring-puri siya ng mga record producer sa Amerika sa bersyon niyang ‘yun kaya naman tinangkilik nang husto.
Abangan natin sa Manny, Many Prizes bukas kung kakantahin niya ito dahil nga mukhang aariba pa raw ang kantang ito sa Amerika.
At least hindi lang pang-boxing si Manny kundi pati na rin sa music industry.
Bongga, ‘di ba?
ABANGAN N’YO PALA sa Startalk bukas ang exclusive interview namin kay Aljur Abrenica tungkol sa insidenteng muntik na itong napaaway sa isang sinehan sa Eastwood nu’ng nakaraang Linggo.
Kuwento ni Aljur, kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na nanood ng sine sa Eastwood. Pagkatapos ng sine na sana lalabas na sila, tiningnan daw ito ng masama ng isang Indian national at tinanong pa raw siya ng “what’s your problem?”
Nagulat si Aljur bakit siya tinanong nang ganu’n gayung wala naman daw siyang ginawang masama. Mabuti at hindi na ito pinatulan ng young actor, pero hinawakan pa raw siya sa balikat at talagang napag-initan. Kaya nagreklamo sila sa guard at kinausap itong taong ito. Nagkaayos naman daw sila at humingi ng sorry sa kanya ang taong ito.
Ang tingin ko lang diyan, nakursunadahan si Aljur dahil siguro kinilig-kilig ang mga babaeng ka-date nu’ng Indian national na ‘yun.
Talagang malapit sa gulo si Aljur, pero hindi raw niya ito pinapatulan dahil mahirap na dahil siya ang kilala, siya lang ang talo dito.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis