OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Well… HAPPY B-DAY TO ME…! Naku, nakakaloka at tumagal ako sa showbiz industry at senyora na ang beauty ko. Pero mukha pa rin daw akong sweet 16, effect naman ‘di ba? Well hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta sa akin at tumatangkilik at sa mga prayers, dahil until now, alive and kicking pa rin ang beauty ko at wala pa ring kinatatakutan sa showbiz industry, at nagsasabi pa rin ako ng totoo at nasa tama lang.
Well special thanks to all my kids who supported my b-day, J Sonny Lagaragan, station manager sa Pinoy Radio UK, nakakaloka dahil talaga namang bago pa lang ako mag-b-day ay pinuntahan niya na ako sa bahay at sinurprise niya ako… London to Manila, ‘di ba? Talaga namang masasabi nating malakas ako sa kanya at malakas din siya sa akin.
At siyempre sa mga pinakamalapit sa puso ko, si Vice Mayor Isko Moreno, at ang all support namin ding si Sen. Bong Revilla, and sa mga kaibigan kong dumating sa bahay, sa mga supporters ko sa aking program, ang mga commercials na dumating sa bahay, maraming salamat sa inyo…
My god, ‘di pa rin ako makapaniwalang umabot ako ng 60! Pak!
AT SIYEMPRE, ANG bonggang eksena naman natin ngayon ay naloloka naman ako sa singer na itey na si Lance Raymundo, dahil napa-believe naman niya ako sa lyrics at video niyang ‘Fatanas’. At take note, siya mismo ang nag compose lahat at gumawa kahat. Nais kasi niyang iparating sa buong mundo na ang kantang inihandog niya ay para sa mga taong kailangan na talagang magbago at si ‘Fatanas’ mismo ang makakatuklas nu’n.
Kaya lang, ang nakakalungkot na balita ay nais daw itong ipa-ban ng mga nakakanood sa YouTube dahil may masamang pangitain ito sa mga bata. Eh, dapat kung ako sa mga magulang, sila mismo ang magbabantay sa mga anak nila para hindi makapanood ng video ng mga kung anik-anik, ‘di ba? Ang masasabi ko lang kay Lance, siya lang ang kauna-unahang gumawa ng ganyang video.
Kinausap namin si Lance upang linawin ang mga bagay-bagay tungkol sa ‘Fatanas’ at ‘eto ang nasagap namin sa binata. Ang salitang “FATANAS” ay inimbento niya para sa mga taong swapang, mandaraya, sakim, mahilig mangurakot, atbp… Ang katabaan na pinag-uusapan niya ay hindi katabaan ng katawan, kundi katabaan ng kaluluwa. Para kay Lance, ang kaluluwa ng isang taong sakim ay parang isang lobo na palaki nang palaki hanggang isang araw ay bigla nalang itong sasabog. Tungkol naman sa paggamit ng mga she-males bilang Fatanas, sabi ni Lance, ayaw niyang gumamit ng babae o lalake para gumanap bilang Fat Devil, dahil ang espirito ng Fatanas ay p’wede namang maghari sa puso ninuman, babae man or lalaki, bata o matanda… kaya minabuti na lang niyang gawing “androgynous” ang mga demonyo para walang stereotypes.
Sinabi ni Lance na wala siyang iisang tao na pinapatamaan sa kanta niyang Fatanas. Ito ay isang general statement in the form of music. Marami na’ng mga indibidwal na nagte-text sa amin at tinatanong kung sila ba raw ang pinapatamaan ng kanta. Sa amin lang, naniniwala kami kay Lance na isang general statement lang ang Fatanas, at kung tinatamaan kayo, malamang ay taglay ninyo ang mga katangian ng isang Fatanas!
Incidentally, para sa mga gustong mapanood ang video ng Fatanas na namimiligro na sa cyber world, dahil marami na ang nagpapa-ban, punta lang kayo sa YouTube at i-search ang “Fatanas Lance Raymundo”. Sana maabutan pa ninyo ang nasabing music video bago ito tuluyang ma-ban.
KUNG NABITIN KAYO sa ating mga chikka ay maaari niyo kaming subaybayan sa DWSS 1494 khz sa programang “Ola Chikka Now Na!” with Lady Camille mula Lunes hanggang Biyernes , 11:30 AM – 12:00 NN at tuwing Linggo sa DZRH 666 khz, “Sa Totoong-totoo lang Yun na!” tuwing Linggo 2:30 to 3:30 PM. This is your Tita Swarding saying… God Bless Us All! Pak!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding