MVP, nakuha na ang malaking share ng GMA?

Manny-PangilinanOVER AT GMA, palihim pero maugong na pinag-uusapan that Mr. Manny V. Pangilinan has reportedly acquired a sizeable percentage of the network shares.  Pero ang tanong namin ay hindi “Who was eased out when MVP came in?”

Sa halip, ang nais naming mahanapan ng sagot ay ang palaisipang “What happens now to TV5?”

In all sincerity, sana’y walang katotohanan ang tsismis that TV5 is poised to file bankruptcy this year. Dagdag dito, ang departamentong balak na nilang panatilihin ng istasyon ay ang News and Current Affairs nito.

Ang sinuman kasing makarinig ng balitang ito may be inclined to believe,  lalo’t iilan lang naman ang mga programa ng TV5 ang nakakaalagwa in terms of viewership ratings, and the rest have not seemed to go off the ground.

Again, we hope there’s no tinge of truth to this piece of baseless news. Of course, our heart goes out to the thoisands of network employees and talents na mawawalan ng kabuhayan.

Sana, sa mga cost-cutting measures pang ipinatutupad na ng TV5 mahanap ang solusyon para hindi na ito magdeklara ng pagiging bangkarote.

Samantala, kamakailan ay dumalaw si MVP sa GMA. As to the details of his visit—for sure—to the network bosses ay walang nakakaalam.

And before we forget, maraming salamat sa pahabol na Pamasko ng TV5 na dalawang sako ng bigas which were delivered right  to our doorstep.

DESTINY KUNG ilarawan ni Arjo Atayde ang pagkakapunta sa kanya ng transgender role that he portrayed in the January 4 episode of Maalaala Mo Kaya?

Nang i-offer kasi sa kanya ang papel ay aminadong alumpihit ang actor dahil sa kawalan na rin ng sapat na paghahanda. First time kasi niyang gaganap bilang bakla, and it would take Arjo to carefully study the nuances of a beki.

All along, inisip ni Arjo na sa iba na lang inialok ang naturang papel until the same MMK staff who offered the script returned to him isang bago-bago ang scheduled taping. “I think it’s destined to be, para sa akin talaga ‘yung role,” ani Arjo.

Upon receipt of the script ay inaral daw niya ito buong magdamag, pilit minememorya ang mga kilometrikong monologue. “Actually, memorizing the lines wasn’t difficult. Nahirapan ako du’n sa make-up sa akin. May eyeliner ako, tapos, ‘yung kilay ko parang nakataas na butiki. Ang haba-haba pa ng eyelashes ko. But it was fun doing the role for two days,” aniya.

Umani ng mga papuri ang performance na ‘yon ni Arjo that even Bemz Benedicto of Ladlad party list congratulated him on Facebook.

Samantala, after Dugong Buhay, 2014 is going to be a busy year for Arjo whose soap on ABS-CBN na Pure Love (Pinoy adaptation of a Koreanovela) will air soon. No less than his object of admiration Alex Gonzaga ang kanyang love interest sa romantic comedy na ito.

Bago magpulasan ang ilang nakapaligid kay Arjo, one of them curiously asked about his lovelife. “I don’t have a girlfriend,” mabilis na sagot ng aktor. “Eh, sex life?” Sagot ni Arjo, “Puro ganu’n na lang,” habang minumuwestra niya ang paulit-ulit na pagkadyot ng kanyang harapan, “Iniipit ko lang sa cabinet!”

At least, hindi “closet” ang ginamit niya!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleVice Ganda at Direk Wenn Deramas, gagawa ng part 2 ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy?
Next articleJennylyn Mercado, ‘di raw nakipagbalikan kay Dennis Trillo

No posts to display