SHOWING na ngayon (simula pa May 9) in more than 100 theaters ang pelikula ng Regal Entertainment na My 2 Mommies. Binigyan ito ng A rating ng Cinema Evaluation Board (CEB) kaya tuwang-tuwa ang producers (Roselle & Mother Lily Monteverde) pati ang director at cast ng pelikula.
Sa isang post ni Roselle sa kanyang social media account ay naibulalas niya na para siyang nakahinga nang maayos pagkatapos mapanood ng mga tao ang My 2 Mommies sa ginanap na premiere night noong Lunes.
Ang ganda ng feedback from the audience. Puring-puri nila ang acting nina Solenn Heussaff, Paolo Ballesteros, Joem Bascon, child actor na si Marcus Cabais at Maricel Soriano na may special role sa pelikula.
Ang husay din daw ng screenplay ng pelikula na sinulat ni Direk Jose Javier Reyes at siyempre, napakaganda ng pagkakadirek ni Eric Quizon sa pelikula. Sey pa nga ng maraming nakapanood, iiyak, tatawa, mae-entertain at sulit talaga ang oras nila pati na ang ibabayd sa sinehan sa panonood ng My 2 Mommies.
Sa pelikula ay ginagampanan ni Solenn ang mommy ng isang 8-year-old kid played by Marcus. First time niya to play mom at okay lang naman daw ito sa kanya
“At least, para na rin akong nagpa-practice, di ba?” masayang komento ni Solenn.
La Boka
by Leo Bukas