I was able to watched the film “My Candidate” sa isinagawang press preview last Tuesday sa Trinoma Cinema 3.
I liked the film. Akala ko nga noong una na isa itong satire at medyo seryoso at tungkol sa eleksyon, dahil ang mga karakter nina Derek Ramsay (as Sonny Suarez) and Iza Calzado (as Vera Sanchez) ay mga pulitiko na nagbabangayan sa posisyon bilang isang senador.
Timing na timing ang pelikula. Sana kung naipalabas ito bago mag-eleksyon sa Lunes, May 9, para kapag napanood ng mga tao, ay ma-realized nila na may mga”pulitiko” pa rin pala na mga tunay na lingkod bayan at sinsero sa kanilang adhikain kung bakit tumatakbo sila sa eleksyon para makaupo sa isang posisyon na hindi lang pera ang nasasaisip kung sakaling mahalal.
Actually background lang ang kuwento tungkol sa eleksyon, pero ang tunay na istorya ay ang tungkol sa namuong “lovelife” between Shaina Magdayao (as Billie Bono) at Derek Ramsay na dahil sa masyadong focus sa kanyang mga responsibilidad at gawain bilang isang congressman ay napabayaan nito ang kanyang buhay pag-ibig. Gusto ko ang tema ng “My Candidate” na sa darating na Wednesday, May 11, na ang showing sa mga sinehan nationwide.
Bukod sa magaling sina Derek, Iza, at Shaina Magdayao sa mga roles na ginagampanan nila ay gusto ko ring papurihan sina Ketchup Eusebio sa karakter niya na “super seksi”. Pero wagi rin at agaw-eksena na uma-aura si Nico Antonio sa karakter niya (as Coco Mikael) na beking-beking staff ni Cogressman Sonny.
Funny ang movie na mapangingiti ka rin sa love angle nina Sonny at Billie.
Sa panahon na nasa ligalig ang bansang Pilipinas at sa init ng tag-araw na nakisawsaw pa si El Niño, pampakalma na parang iced kalamansi juice ang “My Candidate” para sa ating mga Pinoy.
Reyted K
By RK VillaCorta